Napangiti habang papunta kami ng mga kapatid ko sa bahay ni Madam Sitang. Di ko mapigilan ang sarili ko na matawa dahil kay Thunder.Di ko kasi ma itsura ang mukha nito nung unang beses naming pumunta kay Madam sitang. Hahahaha kasi naman sabi nito minomolestya daw sya ni madam kaya ayon nagpaiwan sa bahay.
Natakot siguro ni Madam dahil sa paulit ulit nitong pagpisil sa pisngi ni Thunder. Grabe naman kasi mang gigil si Madam.
Lalo pang nainis si Thunder dahil inaasar ko sya. I told him to let Madam pinched his cheek kasi naglililhi ito. Biro ko lang naman yun sa kanya but he was totally pissed kasi naman paano mabuntis si Madam eh senior citizen nadaw ito.
Di ba nya pansin ang sarcasm sa sinabi ko? Pero okay lang kasi kahit naasar sya sa akin ay inakbayan parin nya ako pauwi.
Recently Thunder was extra sweet with me. Di ako nag a-assume huh kasi kahit si Mamang ay napansin iyon. Tinanong pa nga ako kung kami ba na agad ko namang itinanggi.
Di naman talaga kami pero iba talaga ang pinapikita ni Thunder sakin. Isa pa lage nya akong pinanggigigilan pag kami lang dalawa. Kiss sya ng kiss sa akin.
Gusto ko mang itanong sa kanya kung bakit nya ako hinahalikan ay di ko magawa. Kasi naman ayaw kong sirain ang moment naming dalawa. Pero lage din akong binabagabag ng isip ko tungkol sa halikan namin. Di lang kasi basta basta na halik yun kasi torrid ang halik nya sa akin. Eh hindi naman kami? Diba dapat magkasintahan lang ang pwedeng gumawa nun?
Napa research tuloy ako sa culture sa US kung paano mag ligawan tapos napag alaman ko kung nag date daw kayo at nasundan pa iyon ay nasa dating status na kayo. Parang yun ata ang label nila ng magkasintahan.
Pero napag tanto kong may dugong pinoy din naman sya, pero bakit ba masyado na kasi akong nag iisip kaya naguguluhan ako. Kasi naman eh di rin naman matatawag na date yun.
Oo lumalabas kami pero ang date kasi sa US ayon kay pareng google ay yung tipong kumakain sa labas, nanonood ng sine at yung literal na lumalabas talaga.
Ito namang labas namin eh sadya naman talaga kasi kailangan ko syang ipasyal.
Hahay ano ba yan, wala kasi akong alam sa ganitong bagay. Di naman ako makapagtanong kay Ree at Magi kasi ayaw nila sa team paasa.
Ang hirap din pala na i asa lahat kay google ang tanong, ang daming sagot eh.. okay lang sana kung equation to or algebra na kayang masolve ang problems pero naman iba to eh..
"Pssst ate Mukha kang Angats (tanga)" sabi ni Nik.
"Oo nga, kanina lang nakangiti ka tas biglang sisimangot tas mukhang naguguluhan. Ambot sa imo Ate nababaliw kana ata sa pag ibig" sabat naman ni Nognog
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romance"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020