Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Di ko alam kung paano ako tumagal sa likod without breaking down. Gusto kong umiyak pero di ko magawa. Ang sakit sakit nun sa dibdib, para akong pinaruhan habang nakadilat ang mata.
Wala naman akong ginawang masama diba? Kasalanan ko ba to? Dahil di ko napigilan ang sarili ko at bumigay ako sa pag lalambing nya? Even though i know that he's capable of doing this.
Mas lalong tumambol ang puso ko nung makita kong palapit na kami ng palapit sa dorm ko. Lihim akong napahikbi habang tinitingnan ko silang dalawa na nag lalambingan.
Kumawala na talaga ang luha ko pero agad ko naman itong pinalis.
Wag na wag kang umiyak sa harapan nila Elle. Magtira ka sa sarili mo kaya wag na wag kang iiyak.
Paalala ko sa sarili ko kaya kinagat ko ang ibabang labi para maiwasan ang pag iyak. Palalim ng palalim ang hinga ko dahil pakiramdam ko di ko na kaya pang pigilan.
Nakita kong tumingin sya sakin sa rear view mirror nya kaya agad akong umiwas at yumuko nalang.
Pumarada sya sa parking lot ng school dorm namin kaya agad akong lumabas nung huminto na ang sasakyan.
Sumunod naman agad si Thunder at pumunta sa likod para makuha ko ang mga gamit ko doon. Tahimik lang syang binuksan ang trunk ng sasakyan.
He unload my things, my back pack the fruits and the foods na hinanda ni Mamang at Papa para sa akin. Akma nyang kukunin ang Moron na para dapat sa amin dalawa ng pigilan ko sya.
"Ahh—mm ahemm its for you" pinilit ko ang sarili na maging normal ang boses ko but i know i failed. Madali ko nalang dinampot ang bayong kung saan nakalagay ang mga dala ko pero pinigilan nya ako.
"This is heavy kaya ako na"
"Okay lang, sanay na ako. At isa pa baka mabagot ang kasama mo. Malayo layo pa ang building ko dito" paliwanag ko sa kanya.
"Baby let her" sabi ng babae pero wala nauna na si Thunder maglakad sakin kaya wala akong magawa kundi ang sumunod.
Pinapahirapan nya talaga ako lalo. Habang naglalakad sya gusto ko syang tanungin kung bakit. Gusto kong sabihin sa kanya na nasasaktan ako pero di ko magawa. Ang hirap hirap.
"Ara—- im sorry" I bumped his back, bigla kasi itong huminto ng di ko namamalayan.
Di naman ito umimik at patuloy sa paglalakad. Nakarating kami sa labas ng dorm ko at akmang papasok ito doon pero pinigilan ko. The longer he stay the longer my suffering. Ayaw ko mang lumayo sya sa tingin ko pero baka bigla nalang akong sasabog sa harapan nya at di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Ako na, salamat sa paghatid" agad kong kinuha sa kanya ang bitbit at mabilis na pumasok.
Pero bakit ganun? Umaasa parin ako na pigilan nya ako at mag explain sya sakin kung bakit bigla nalang itong nagbago? Umaasa parin ako na di nya sinasadyang saktan ako.