II.27

1.8K 69 24
                                    

"Tatay!!!" Tumalon talon si Light ng makita ang ama na lumabas galing control room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Tatay!!!" Tumalon talon si Light ng makita ang ama na lumabas galing control room. 

Pribadong eroplano ang sinakyan ni Elle dahil narin sa safety purpose sa buong pamilya niya.

Her whole family was with her in that flight, Nikka and Claude was with them and so her parents. May iilang kasama din sila Elle na personal guard ng mga anak niya at ang personal nurse ng Mamang niya.

"Thunder" mahinang tugon ng Mamang niya na may ngiti sa labi. Unti unti na itong nakakabawi kaya masaya si Elle sa improvement ng ina.

"Tita, how are you po?" Lumapit si Thunder sa Mamang ni Elle at nag mano, ganun din ginawa nito sa Papang ni Elle.

"Ok naman na kahit papaano nakakabawi na"

"That's good Tita, paniguradong masaya si Mommy and Daddy sa kalagayan mo"

"Alam ko Ijo kasi palagi nila akong binibisita" matamis itong ngumiti kay Thunder. Tho walang alam si Thunder sa lageng pag bisita ng magulang niya sa Ina ni Elle pero inaasahan na niya yun. Matalik na magkaibigan ang Mamang ni Elle at ang Daddy niya.

"hindi na ako makaantay makauwi. Miss ko na ang pilipinas pati ang foundation na naiwanan ko" tukoy ni Mamang sa foundation na pinagtatrabahuan niya dati bilang cook. Mahal ng Mamang ang mga taong nandoon kaya malapit ito sa puso niya.

"Don't worry Tita we will visit Mindanao after ng vow renewal ni Margo at Isaac"

"Ikaw ijo kelan ka ba ikakasal?" Napaayos naman ng upo si Elle sa upuan niya habang pinapakinggan ang usapan ng Mamang niya at ni Thunder. Si Papang naman ni Elle ay tahimik lang na nagbabasa ng newspaper.

Her father knew all her pain, lahat ng sakripisyo niya at pinagdaanan niya ay alam ng Papang niya. Habang yung Mamang naman niya ay limitado lang ang alam dahil narin sa kondisyon nito.

"Hopefully soon Tita" at nakita ni Elle ang matamis na ngiti ni Thunder na tila ba hindi na ito makapag antay na dumating ang panahong yun.

He must really love Cynthia.

Napalunok naman si Elle dahil parang may kung ano na nakabara sa lalamunan niya. Andiyan na naman ang kirot sa dibdib niya na pilit niyang iniignora.

"Mabuti naman at ng matahimik ka na rin. Wag mo kaming kalimutang imbitahin huh?"

"Oo naman po Tita kayo pa.. ikaw pa ang unang sasabihan ko pag ikinasal na ako"

"Aasahan ko yan" mas lalo namang sumikip ang dibdib ni Elle para bang di niya matanggap ang pinag uusapan ng Mamang niya at ni Thunder.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon