Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"One day!!!! One day!!! One day eeee—-E-E—-One day!!!! One day!!! One day eeee—-E-E!!!!"
Ding—-dong!!!!!
Napahinto ako sa pag aayos ng gamit ko dahil sa pag tunog ng doorbell.. napahinto tuloy ako sa pag coconcert dahil doon. Feel na feel ko pa naman ang kumanta. Nakaka LSS kasi ang kanta ni bugoy..
Ding—-dong!!!!!
Tumunog ulit ang doorbell.
Aba teka!! Kakalipat ko pa lang may nangangapit bahay na agad?!!
Ding—-dong!!!!!
Aba teka?! Makulit na kapit bahay.. tssssk. Palitan ko kaya ng MARIAN yang tunog ng doorbell?
Okay fine waley na banat. Kung nandito lang si Mercy baka nagtalsikan na ang laway nun kaka kantsaw dahil waley ang banat ko. Buti nalang di pa nila alam na nakalipat na ako.
Ding—-dong!!!!!
I marched on the door and opened it. Nakapameywang ako kasi nainis ako sa kakulitan nito.
"Wala dito si Dingdong, andoon sa kanlungan ni Marian nagpapakasarap"
Then i found Thunder with his wrinkled forehead.
"Dingdong? Is that your Ex?" Nagtataka nyang tanong. I wanted to laugh because of his humor pero mukhang seryoso sya. And because I'm awesome 😎 so it gave me an idea para sakyan sya sa trip nya.
"Paano mo nalaman na Ex ko yun?" I mentally laugh.
Bigla itong pumasok sa unit ko na para bang pag aari nito. Well yeah pag aari nga pala nila ito. Binigay ni Tito sa akin pero tinanggihan ko. Di ko tinigilan hanggang pumayag syang mag babayad Ako monthly.
"You sound bitter. So I guess he's with that Marrian girl"
"Aba!! Ang galing na bata. Pwede kanang pumwesto sa time square para manghula. Tiyak lalo kang yayaman"
"Funny Elle!! So Dingdong huh? What happened? Bakit kayo nag hiwalay?"
Nge? So naniwala talaga sya. Di ba sya nanonood ng teleserye or mga movies? Aba si Manong Thunder kapamilya siguro.
"Iniwan nya ako dahil kay Marian, na Karyl zone ako. Ayun pinakasalan pa nya at napaka bongga pa ng kasal. May pa royal wedding pang nalalaman. And take note the cake itself was rumored to cost 7 million. Asan kapa doon? And daming street children na ang nabibigyan ng libreng edukasyon nun"
I ranted. Napatakip naman ako ng bibig ko dahil sa pagka carried away ko. Akalain nyo yun? Nagsimula lang sa doorbell lahat ng binubunganga ko.
"Tsssss you really sound bitter.. but i guess you don't deserve him" sabi nya at prenteng pumwesto sa couch.