"Wow!!! Ang ganda naman jan sa lugar nyo Elle. I wish i can visit there kung maka uwi ako ng pinas" sabi ni Tony habang iniiscan namin ang pictures na inupload ng kapatid ko.
"Mamang will love that Idea. Alam mo na yun masaya yun pag may bisita kami" sabi ko.
"Sana nga. Gusto ko ring makita ng personal ang dalawang makukulit mong kapatid."
"Matutuwa ang mga yun, masyado pa naman yung mga clingy baka di kana pabalikin nun dito pag nakapunta ka samin"
"Talaga? Kukurutin ko talaga ang pisngi ni Niknik pag nagkataon hehehe. So pag ikaw ba ay hirap every time na bumabalik ka dito?"
"Oo pahirapan. Naaawa nga ako kasi alam kung konting oras nalang ang panahon naming magkasama magkakapatid. Umiiyak ang mga yun pag umaalis ako. Ayaw ko namang umalis na di nagpapaalam baka kasi mag tampo sakin ang mga yun."
"Nakakainggit ka naman, sana mayroon din akong mga kapatid" nangalumbaba si Tony sa mesa ko.
Ulilang lunos na si Tony kaya sabik sa pamilya lalo na sa kapatid. Kaya naiintindihan ko sya minsan kung tumatakas sya sa mga lakad namin kasi according to Tita Del ay may kinakatagpo itong manliligaw o boyfriend ba nito.
Di namin alam. Basta ang alam ko sabik sya sa atensyon, ying tipong may mag aalaga sa kanya at magpakita sa kanya ng pagmamahal. Kaya nga kahit sabi ni Tita Del na iba iba ang nakikita nyang katagpo nito ay di na ako umimik.
Wala naman din kaming alam kung sino ang mga yun. Pero hula ko ay manliligaw nya ang mga yun, siguro wala pa syang sinasagot or di pa sya makapili kaya ganun. Si Tita Del naman ay masyado lang nagbabantay kay Tony kasi para narin nya itong anak kung ituring. Wala kasi itong babae na anak at alam naman naming lahat na ulila na si Tony.
"Andito naman kami, diba sissy na tayo kahit minsan napipilitan lang ako na maging sissy si Mercy" nagtawanan naman kami sa sinabi kong yun.
"Teka Elle bat ang layo ng age gap nyo magkakapatid?.. feeling ko mas maganda pag magkasunuran lang para may kalaro ka"
Napatingin ako kay Tony at ngumiti.
"Nabuntis kasi si Mamang at di alam ng Papa ko. Umalis kasi ito nung panahong yun dahil nag hiwalay sila. Then after years of being apart ay nagkita sila ulit kaya yun itinuloy nila ang nasimulan nila"
I said and looked away. I feel bad for lying but i don't have a choice. Yun ang bilin palagi sakin dati ni Mamang at ni Papa nung nag decide silang magpakasal. For some reason gusto ni Papa na sya talagang tumayong ama ko. He doesn't want me to feel like an outcast. Sabi naman ni Mamang sakin na pag lumaki ako maintindihan ko kung bakit, and right now kahit papaano ay naintindihan ko naman sila.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romance"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020