"OH MY GOD THUNDER! What happened to you?"Agad umupo si Elle sa tabi ni Thunder na halatang gulat ng makita sya. Hinawakan nya ang baba ni Thunder, she checked every details of his face. May sugat ito sa kilay na para bang bago lang ito nagkasugat. Mahaba na ang laheng naka trim nitong buhok at humaba na pati balbas nito.
This is not the usual Thunder she knew. The Thunder she knew was always tidy di tulad ng nakikita nya ngayon na parang galing sa bugbugan.
"Elle" halos pabulong na sabi nito. Tiningnan naman ito ni Elle na puno ng pagtataka at pag aalala.
"Are you real?" Tanong ng binata at itinaas nya ang kamay at hinaplos ang pisngi ng dalaga.
"Is this really you?" Dugtong nito.
Halos matutop naman ang hininga ni Elle sa haplos ni Thunder sa kanya. Pero kinuha ng mga malungkot na mata ni Thunder ang atensyon nya.
"Mukhang nakarami kana Thunder, tama na ang inom" nagbuntong hininga si Elle.
Mapait na ngumiti si Thunder.
"Im not.. actually, alcohol seems no effect on me after all.."
"Anong no effect-effect yang nalalaman mo, look at yourself? Mukha kang isang high school na nakipag basagan ng ulo" pinatigas nya ang boses nya kasi mukhang di makikinig ang isang to sa kanya.
"Chill! Geezzz kakakita lang natin yan na agad ang bungad mo sakin. Wala man lang hi and hello" sabi nito na nilipat ang pansin sa pagsasalin ng alak sa baso.
"Paano ako makakapag chill kung nakikita kitang ganyan? You made me worried like hell" biglang bulalas ni Elle. While Thunder stopped his hand with glass of alcohol in mid air when he heard what Elle said.
"You're worried of me?" Parang di pa makapaniwala na tugon nito. He looked triumphant and amused.
"Of course i am. Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nagkakaganyan? Kung may problema ka nandito na ako para tumulong sayo"
Bigla namang nawala ang saya sa mukha ni Thunder dahil sa sinabi ni Elle. Pagak itong napatawa na pinagtataka ni Elle. Iniisip nito na lasing na talaga ang binata.
"I swear this time di mo ako kayang tulungan" at itinuloy na nito ang naudlot na pag inom ng alak..
Napatitig lang si Elle kay Thunder at napansin nito kaya tiningnan din sya nito.
"Why don't you join me instead? Have a shot"
Napatingin si Elle sa iniinum nitong alak. Napalunok sya.
"Alak na naman" she said in disgust at narinig ito ni Thunder.
"Naman? Are you drinking while im away?"
"Huh? Ako? Hindi ah! Masama yan sa health kaya ikaw tigilan mo rin yan" di sya maka tingin dito, kasi naman ito lang naman ang nag iisang dahilan kung bakit nya bff ang alak lately.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romance"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020