Usa

5.6K 80 1
                                        

"Dali, hahahaha diri Margo Diri" sabi ni Elle sa wikang bisaya kay Margo na humahabol sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dali, hahahaha diri Margo Diri" sabi ni Elle sa wikang bisaya kay Margo na humahabol sa kanya.

"Wait for Me Let-Let" habol naman ni Margo na nakasuot ng bistida habang naka stockings na puti at doll shoes. Samantalang si Elle na may palayaw na Let-let ay nakasuot ng isang oversize na pinaglumaang T-shirt ng Mamang nya at pudpod na tsinelas.

"Ahihihi Let-Let you're so fast"  napakamot naman si Elle kasi Englishera kasi itong si Margo, nakakaintindi naman sya ng Englis pero di ganun kalalim, lage kasi syang pinapanood ng Mamang nya ng Cartoons sa kagustuhang matuto syang mag englis.

Hirap syang magsalita ng englis pero trying hard sya na matoto, lalo na buong summer vacation ay nandito ang pamilya Sarmiento para tutokan ang foundation na pinatayo nila dito sa liblib na lugar ng Mindanao. Kaya paniguradong mapapalaban sya sa Englisan dito, di kasi sya marunong mag tagalog.

Gusto makalayo ng pamilya Sarmiento sa syudad para maka iwas sa maingay na lugar at ang lugar nila Elle ang napili nito. Tahimik mapayapa at ang ganda ng tanawin, bagay na inaasam asam ng mga taong laki sa syudad.

Kilala ng Mamang nya ang Pamilya Sarmiento dahil isa ito sa mga cook ng foundation. Magkaibigan din ang Mommy ni Margo at Mamang ni Elle dahil ito ang nagturo dito na mag luto noon. nagkakilala ang magulang nila dahil sa isang medical mission kung saan naatasang magluto  ang Mamang nya para sa mga Doctor at mga staff.

Dahil nagustuhan ng Mommy ni Margo ang luto ng Mamang nya ay naging instant cook ito ng Mommy ni Margo habang nasa mission, kaya nagkasundo silang dalawa at naging magkaibigan.

"Why are we here? Woooooooow! To many carabao, amazing"

manghang mangha si Margo, wala kasi ito sa syudad at unang pagkakataon palang nyang makakita ng ganun ka raming kalabaw.

"Dali (come), hir oh.. Fast Margo" sabi ni Elle sa matigas na Englis.

"Aheihi Let-let your accent was so cute".  Nagkibit balikat nalang si Elle kasi di naman nya naintindihan.

"Si? This kabaw me freynd" (see? This Carabao is my friend)  naguluhan si Margo sa ibig nitong sabihin pero dahil matalinong bata sya ay nakuha nito agad ang ibig nitong sabihin.

"Ah so that (turo nya sa kalabaw na hinimas himas na ni Let-let) is your friend" tumango naman si Elle sabay punas sa uhog nyang patulo na ang layo ba naman kasi ng tinakbo nila.

Hinawakan nya ang manggas ng oversized tee nya at pinamunas doon, tinawanan lang ito ni Margo na tila tuwang tuwa sa pinag mamasdan. Unica Ija kasi ito kaya wala syang kalaro sa bahay nila maliban nalang kung nandoon ang pinsan nyang Lalake.

"Kokong, this Kokong" 

"Hi Kokong, im Margo" nagwave naman ang bata sa kaibigan ni Elle na kalabaw ng kapit bahay nila.

"Margo, Kokong no English" napameywang ito sa harapan nya na tila sumasakit na ang ulo dahil sa kaka english ni Margo, naaawa tuloy si Elle kay Kokong baka kasi dumugo ang ilong nito sa pinag sasabi ni Margo.  Napaturo si Elle na parang may bright Idea syang naisip.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon