Kinse

1.4K 36 2
                                        

"Pssst,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Pssst,.. bakit kakaiba ang ngiti mo jan?"  Tawag ni Margo sakin.

Kasi naman habang nagsusuklay ako ng buhok ay di ko mapigilang mapangiti. Kasi naman naalala ko ang nangyaring pag akbay nya sakin.

Iba pala talaga pag humahanga ka sa isang tao kasi isang simpleng bagay lang na ginawa nila sayo parang ang big deal na para sayo.

Di ko talaga maihiwalay ang tingin ko sa gwapo nyang mukha habang pinagmamasdan nito ang pag bulong ng araw.

Muntik nya na nga akong mahuli kanina. Kung di lang biglang dumating si Margo para makipag laro sa amin ng habol habulan ay mananatili kaming ganoon.

I dont mind tho kahit magtagal pa kami kahit pa hanggang sa pagsikat muli ng araw. 

Napangiwi naman ako sa naisip, masyado namang exaggerated yun. Ano na kayang itsura namin nun?

Malamang puro na kami kinakabag pag nangyari yun. Napa hagikhik ako sa naisip ko. Baliw na talaga ako kasi kung ano ano nalang pumapasok sa isip ko.

"ARAY!!!!" Napahawak ako sa ulo ko kasi naman sinapak ito ni Margo ng suklay..

"Ang sakit nun, kelan ka pa natutong maging bayolente? Ginaya mo naman ako kay Thunder kung sapakin mo ko" ngumuso ako

Natawa ito sa itsura ko. Minsan talaga nahihiwagaan ako sa kaibigan kong to, kasi naman pag ibang tao ang kasama napaka seryoso at napaka intimidating. Pareho lang talaga sila ni Thunder, mga Sarmiento nga naman.

"Kasi naman Letlet kanina pa kita kinakausap, una ngumingiti kang nakaharap sa salamin. Nakakatawa ba ang mukha mo? Kasi naman pagkatapos mong ngumiti ay humagikhik ka. May multiple personality ka pa?"

Mahaba nyang lintanya.  Talaga bang nakangiti akong nakaharap sa salamin habang nagsusuklay?

"Ikaw Margo ginawa mo naman akong sinto sinto. Di pwedeng May naisip lang ako?" Lumiwanag ang mukha nito at bumalik sa kama at dumapa at itinukod ang kamay sa kama at ipinatong ang mukha doon.

"Sounds interesting, can you share what's on your mind? You looked so happy, i wonder what are you thinking" nakangiting sabi nito.

Napakagat ako sa labi..

"Wala lang yun at di yun ganun ka interested"

Sumama ang mukha nito at dinilatan ako ng mata. Tingnan mo to tinatakot ako.

"Wala nga yun, nag papantasya lang ako" at humagikhik naman ako, di naman kasi to titigil hanggat di ko sasabihin pero asa syang sasabihin ko kung sino hehehe

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon