Disesyete

1.3K 45 2
                                    

"Wow Moron"  parang bata na napangiti si Thunder nung inihain ni Claudine ang kakanin na nabili nya kaninang  umaga sa palengke

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Wow Moron" parang bata na napangiti si Thunder nung inihain ni Claudine ang kakanin na nabili nya kaninang umaga sa palengke.

"Yan pa yung paborito mo na gawa ni Madam Sitang" sabi ni Claudine.

"So Madam Sitang is still alive?" Sa pagkakatanda nya matanda na ito.

"Oo naman ijo, matibay na matibay pa ang tuhod nun, may bagong Papang pa nga"

Na pa "oh" nalang si Thunder at natawa naman si Elle sa reaction nito.

"Kumain kana nga lang baka maubusan ka, may kakopetensya ka sa mga moron na yan." Nginuso nya ang dalawang kapatid na kakagising lang.

"Mga certified Sintangnians" sinamaan naman sya ng tingin ng dalawa.

Natatawa nalang sya, wag daw kasi mag biro sa mga bagong gising. Sabi ko nga wag mag biro.

"Let let anak ang aga aga." Sita ng Mamang nya. Alam kasi nito na umandar na naman ang kakulitan nito.

Lumapit sya sa dalawa at ginulo ang mga buhok nito at hinalik halikan na may pang gigigil.

"Namiss ko lang ang makukulit nato"

"Ate nakalimutan mo ba na mas makulit kapa samin? Mas pinapasakit mo yung ulo ni Mam—-". Tinakpan na nya ang bibig nito kasi baka kung ano anong kahihiyan na naman ang sabihin nito sa gwapo nilang bisita.

I don't want him to used it against me noh!.

"Ito oh kainin mo na" madali syang nagbalat ng kakanin at hinati nito. Sinubo nya ang isa kay Niknik na kung ano ano na naman ang lumalabas sa bibig.

"Ikaw din ayan" sabay subo ng isa kay Nognog bago pa may lumabas na kung ano ano rin sa bibig nito.

Sanay na silang mag kakapatid na nag kukulitan. Maaga palang maingay na ang tahanan nila pero iba ngayon.

May gwapong antipatiko kasi ngayon, ang agahan ko. Hihihi. Erase erase erase Elle.

"Anak pagkatapos nyong mag agahan ipasyal mo si Thunder doon sa bagong bukas na talon ng mga Monticillo"

"Opo Mamang, tapos na pala yun?"

"Ay oo pero sa locals palang, sa susunod na buwan pa ang bukas nun, ngayon para sa mga taga rito  muna daw at libre ang entrance"

"Ang galing naman, ang babait talaga ng mga Montecillo at ang gagwapo din ng mga lahi"  tumawa naman si Claudine. Actually excited din syang magka lovelife ang anak.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon