Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(A sweet smile from our Skylar) she's thanking you guys for reading her parents story ☺️.
Happy birthday to you...
Happy birthday to you...
Happy birthday to you 2x...M
Happy birthday Light Sky.....
Nagpalakpakan ang lahat ng E-blow ng sabay ni Light and Skylar ang candles nila sa Tank inspired na cake.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakapang US army na camouflage ang soot nilang dalawa at samin naman ni Thunder ay tshirt na camouflage din. Yan ang gustong gusto ng dalawa na tema sa birthday nila na pinaghandaan talaga nina Thunder at Elle.
Nagsimula na ang palaro ng mga bata kaya ang mga magulang ay kanya kanya rin ng balik sa mga table.
Pili lang ang mga bisita nila Elle at tanging mga close relatives at friends lang ang mga busita nila. Kasama narin doon ang mga katrabaho dati ni Elle sa kompanya ni Thunder.
Meron ding iilan sa mga kaklase ng mga anak nila ang dumalo.
Masaya ang celebration nila ng pasko nung gabi dahil ito ang kauna unahang pasko na magkasama sina Elle, Thunder at mga anak nila. Ganun din aa pamilya ni Elle, ito rin ang unang pagkakataon na nakasama niyang pareho ang Mamang at Papang niya kaya emosyonal para kay Elle ang pasko kagabi.
Walang makakapantay sa saya niya habang pinagmamasdan niya ang mga mahal niya sa buhay kagabi na puro masaya. Ang salubong sa pasko ay isinabay din nila sa salubong ng mga kaarawan ng anak but exclusive lang sa pamilya nila at mga bisita na galing sa Pilipinas.
Napatingin si Elle kay Thunder nakasama ngayon sina Isaac, Damien, Clark at iba pang bisita nila na mga lalake. Masaya silang nag kukwentuhan at nagtatawanan. Napailing naman si Elle dahil kay Thunder. Wala talaga itong palya magaling talaga.
Napunta naman kay Damien ang tingin ni Elle. Nakangiti din ito habang kausap ang iba pero ang mata nito ay palipat lipat kay Dia na naglalaro kasama ang mga anak na si Light and Sky.