Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinakabahan si Elle habang binabaybay nila ang daan papunta sa beach house nila Margo kung saan idadaos ang serenonyas ng renewals of vow nila ni Isaac.
"Hey, relax sweety" hinawi ni Thunder ang takas na buhok ni Elle at hinalikn siya sa sentido.
"This will be the first time na magkikita kami ni Margo. Baka galit siya sakin kasi nag MIA ako ng ilang taon." Malungkot na sabi ni Elle.
"You'll be fine, i know maiintindihan ka naman nun"
"Ang dami ko pang nilihim sa kanya" she pouted at napangiti si Thunder. This is the kind of Elle that he really loves before, but he love every inch of her pero yung katangiang ito kasi ang namiss niya sa kasintahan. Natutuwa naman si Thunder dahil unti unting bumabalik si Elle sa dating siya, yung masayahin at maligalig.
"You know Margo, kahit anong mangyari mahal ka nun at mabait naman yun kaya maiintindihan ka niya" tumango naman si Elle at yumakap siya kay Thunder na agad naman siyang inakbayan.
Napangiti siya, di niya parin kasi lubos akalaing nasa kanya na ulit si Thunder. Na nayayakap niya ito kung kailan niya gusto.
Napatingin siya sa likod ng sasakyan kung saan andoon ang dalawa nilang anak na nakikipag kwentohan sa Lolo at Lola pati narin mga kapatid niya.
Marami ng nakaparadang sasakyan sa tapat ng isang malaking beach house. Kinakbahan na naman si Elle di lang dahil kay Margo kundi ito ang unang pagkakataong magkikita sila si Sia na kasama niya si Thunder. She's scared at di niya alam kung saan siya takot knowing that Sia has a happy family with Clark already.
Paano kung di ko mapantayan si Sia?
Umiling si Elle sa naisip niya, ayaw niya ang naisip na yun pero bakit ganun di niya maiwasang isipin ang bagay na yun? Maybe because Thunder loved Sia so much at ito ang unang babae na nagpabago dito at ito rin ang unang babaeng minahal nito ng lubos. Ito rin ang babaeng naging dahilan kung bakit nagkaroon ng Light sa buhay nila.
She can still remember perfectly that he was too broken hearted because of her that night hanggang sa may mangyari sa kanila. She never regretted every bit of what happened that night. Masaya siya kahit ibang babae ang laman ng isip ni Thunder noon. Ganyan talaga pag nagmahal kailangang magtiis at mag sakripisyo, tingnan mo kung saan siya dinala ng pagtitiis niya noon? She's happy right now and she hopes that it will never end.
Nung makababa sila sa sasakyan nila ay agad lumapit sa kanila ang dalawang bata at kumapit si Sky sa kamay ni Thunder while si Light naman ay sa kanya.
Kahapon pa di mahiwalay si Sky at Thunder. Pagdating nila kahapon sa hotel nila Thunder kung saan sila kasalukuyang nakatira ay agad nag bonding ang dalawa. Nagswimming sila kahapon sa penthouse ni Thunder samantalang siya at si Light ang naghanda ng pagkain. Well nakikigulo lang naman sa kanya si Light sa mga oras na yun. He wanted to be around her all the time too at sabi pa nito kahapon na binibigyan daw niya ng pagkakataon ang kapatid na makasama ang ama.