Walo

1.5K 44 4
                                        

Kung weird ako? Mas weird ata si Reese

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kung weird ako? Mas weird ata si Reese. Iba kasi ang mga trip nya.

Tulad ngayon. Di kumain sa canteen, pinilit akong saingin gamit ang rice cooker ko ang bigay na dala ko rin.

Natikman nya kasi to nung isang gabi.. nagutom ako sa gitna ng pag momovie marathon namin kaya napag isipan kong mag saing.

Nasarapan sya sa bigas na dala ko. Kung sa bagay bagong ani kasi to kaya masarap.

Busy sya ngayon sa pagkain habang nanonood ng Narnia. Pero yung kinakain nya ay kanin tas ang ulam ay piatos at Nova.

Napangiwi ako. Ano kayang lasa nun?

Nung nakaraan naman isinawsaw nya ang fita sa royal orange.

Kagabi habang nanonood kami ng movie naka higa sya habang ang paa ay naka dikit sa wall. Ang dahilan nya? Natatae nadaw sya at sa paraang ginagawa nya ay madedelay daw ang tae nya sa paglabas. Tinatamad padaw kasi sya sa pag punta ng banyo.

Hinayaan ko nalang ang ka wierduhan nya. Wala pa akong time mangulit dahil mag aaral pa ako. Ang hirap pa naman nito. Kung may Microsoft excel lang sana di ako mahihirapan.

Napatingin ako sa laptop ni Reese. Ang sarap manghiram kaso nakakahiya.

Kaya nag mano mano ako, habang naririnig ko ang munting hilik ni Reese. Nakatulugan na naman nya ang panonood.

Nag aaral pa ba tong babaeng to? Lage nalang nanonood ng movie, kung hindi naman ay nagbabasa ng libro.

Lumipas ang ilang buwan at lalo kaming naging malapit ni Reese. Mas nakilala ko syang mabuti. Sya ay isang tamad sa pag aaral, saka lang nag aaral pag 20mins before exams or quiz.

Buti nalang at di ito bumabagsak, madalas sya sa kwarto lang. samantalang ako madalas mangapit bahay sa mga kaibigan kong bago at mga kakulitan ko.

At yung Agency na nag huhulog sakin ng pera ay consistent sa pag huhulog ng pera sa akin. Akala ko dati sa unang buwan lang yun pero nagkamali ako. Kaya nag bukas nalang ako ng savings at doon ihulog ang pera na di ko nagamit.

Tulad ng sabi ni Mamang binili ko ang kailangan ko sa school kaya nung bumili ako ng laptop ay pikit mata ko nalang binitawan ang malaking halaga ng pera. 25 thousand ang halaga nun, di ako sanay gumastos ng malaki kaya parang mabigat sa dibdib nung bumili ako.

Pero nung ma realize ko kung gaano ito ka gamit sa akin at gaano ito nakatulong para mapadali ang pag gawa ko ng mga takdang aralin. Naghati din kami ni Reese sa bayarin ng internet. Gusto pa nitong akuin lahat pero umangal na ako. May allowance naman ako kaya ayun pinilit ko.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon