II.1

1.7K 48 11
                                    

Iyak ng sanggol ang umaalingawngaw sa unit ni Thunder

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iyak ng sanggol ang umaalingawngaw sa unit ni Thunder. Mabilis syang kumilos at iniwanan ang trabaho sa mini office nya ng marinig ang iyak ng anak.

Agad nyang binuhat si Light, malulusog na luha ang kumawala sa mata nito. Isinayaw sayaw nya ang anak para tumahan. Humihikbi ito at tawag ito ng tawag ng "Naynay" .

It broke his heart watching his son like this. Kahit nag uumapaw na ang sakit sa puso nya ay nais nya paring akuin ang pangungulila ng anak sa ina nito. Kahit di nya rin alam kung paano mabawasan ang pangungulila dito. Habang lumulipas ang araw, linggo at buwan  ay mas lalong lumalala ang pangungulila kay Elle.

Ilang buwan naba itong umalis? Dalawang buwan na pero hinahanap parin ito ng anak. Hinahanap hanap nya rin ito.

Di mapigilan ni Thunder na mapaluha habang nakikita ang anak na tila may hinahanap sa dibdib nya. Kung pwede lang sana syang mag produce ng gatas galing sa dibdib nya ay gagawin nya para sa anak. Sanay ito sa breastfeed kaya hirap na hirap syang painumin ito ng formulated milk.

Naka ilang palit narin sya at recommend si Doktora pero hanggang ngayon ay maselan parin ito sa gatas. Sa sobrang gutom na nito minsan kaya napipilitan itong inumin ang tinitimpla nya. Hanggang ngayon ay hinahanap hanap parin nito ang gatas ng ina at pahirapan parin syang painumin ito ng formula. Buti nalang at kumakain na ng solid food ang anak kaya kahit papaano ay napanatag sya.

Lalong tumulo ang luha ni Thunder ng makitang sinisipsip nalang ng anak ang daliri dahil wala naman ang hinahanap nito sa kanya.

Gusto nyang intindihin ang pag alis ni Elle. Kilala nya ito at marahil ay may malalim itong dahilan. Mahal na mahal nya ito kaya kahit iniwanan silang dalawa ng anak ay pilit nyang iniisip na may dahilan ang lahat. Pero— pag nakikita nya ang anak sa ganitong sitwasyon ay di nya mapigilang makaramdam ng galit.

Paano nya nagawang iwan si light? Ang anak namin. Siguro pag ako lang ang iniwan nito ngayon ay maintindihan ko kahit alam kong masasaktan ako. Pero ina sya, how can a mother abandoned her child? Ako nga na ama ay di ko lubos maisip pag ako ang nang iwan sa anak ko. Di ko kaya—hindi ko kakayanin.

"Shhhhhhh... hush now baby. Tatay will always be here for you. Mamatay muna ako bago kita magawang iwan. Even after life ay sisikapin kong manatili parin sa tabi mo". Bulong nya sa anak at hinalikan ito sa pisngi.

Ang hirap hirap. Nahihirapan sya pero pilit nyang kinaya. He can't still move on sa pag alis ni Elle. But he had to endure every pain to stay sane. Kailangan sya ng anak kaya kailangan nyang magpakatatag.

He was thankful because he was hands on for their baby since day one. Kaya kahit papaano ay konting pag aadjust lang ang kailangan nya sa pag aalaga dito.

He was so depress to the point that he wanted to rely on alcohol just like what he did before. Pero kung magpakalunod sya sa alak sinong magbabantay at mag aalaga sa anak? Sinong magtitimpla ng gatas nito? Sino ang magpapatahan dito kapag umiiyak ito at hinahanap si Elle?

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon