A/N: always expect typo's and grammatical error guys.. mobile update lang ako lage dahil wasak pa sa puso ko ang laptop ko 😭😭😭 at thank you sa mga nag tityagang maghintay sa slow update ko. Thank you din sa iilan na nag vovote kahit konti lang kayo na-appreciate ko kayong lahat . I don't like demanding for votes masaya na ako na kahit konti meron 😊. Malapit napo tayo sa climax ng story na to kaya abangan nyo ang updates ko. Sisikapin ko pong magsulat pag may free time po ako..
———
"MERRY CHRISTMAS!!!!!" Sabay bati ng lahat pagkatapos ng count down.
Sunod sunod naman ang pag putok ng fireworks dahil sa pagsapit ng kapaskuhan. Nasa pamamhay sila ngayon ni Tita Delia at halos lahat sila na malayo sa pamilya ay nandoon.
Nagpapasalamat si Elle dahil di sya sinukuan ng mga kasamahan nya. alam nyang ramdam ng mga ito na may dinadala sya pero di naman nila kinulit si Elle kung anong pinagdadaanan nya. Laking pasasalamat nya sa mga ito dahil hinayaan syang sarilihin muna ang problema nya. Todo support lang ang mga ito sa kanya at ni minsan ay di sya iniwan ng mga ito.
Muntikan na nyang makalimutan ang pasko kung di lang dahil sa kanila ay baka nag mukmok na sya sa apartment nya. Pilit nyang winawaglit sa isip na sa araw ng pasko magpopropose si Thunder kay Sia.
Nandoon parin ang lungkot kasi kahit sabihin nyang nawaglit saglit sa isip nya ang kinakatakutan nya ay di nito mababago ang katotohanan. But because she was blessed with kind and loving friends the pain was lesser at di sya nahirapang tanggapin ang katotohanan.
"Cheers!!! For more Christmas together!!!" Nagtunugan ang mga kalansing ng baso at masayang nagsabay sabay na uminom ng wine ang lahat.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay isang di inaasahang bisita ang humabol. Nagulat ang lahat dahil di nila inaasahan ang pagdating nito.
"Mga Anak I invited her" sabi ni Tita Delia at agad naman itong tumungo sa panauhin.
"Cynthia ija Im glad you made it here"
"Merry Christmas po Tita and thank you for inviting me. Kakarating ko lang kaninang hapon from Philippines kaya napahaba ang tulog ko dahilan para malate ako ngayon"
"Its fine ang importante nakarating ka. Kumain ka muna dito" may inabot si Cynthia kay Tita na nasa malaking box. Nagpasalamat naman ang ginang.
Kasalukuyang nakaakbay si Damien kay Elle nung dumaan si Delia at Cynthia sa harapan nila. Napatingin sa kanila si Cynthia at bumaba ang tingin nito sa kamay ni Damien pero saglit lang naman.
"Merry Christmas" bati ni Elle kay Cynthia at ngumiti naman ito pabalik sa kanya.
"Merry Christmas din sa inyong dalawa" tumango lang si Damien bilang pag bati dito at agad namang umalis ang dalaga.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romantizm"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020