Trenta

1.4K 41 1
                                        

"Oh girl? Isang lingo kanang byernes santo ang mukha" 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Oh girl? Isang lingo kanang byernes santo ang mukha" 

Tipid kong nginitian si Tony. Andito kami sa canteen at tanging sya lang ang makakasama ko ngayon dahil nasa kabilang office ang iba naming kasama dahil sa special assignment.

" may problema ba? Family is problems?" Concern na tanong nito.

"Wala naman okay naman ang family namin"

"Well that's good to hear. Hmmm but you look off lately, alangan naman lovelife ang problema mo eh diba like what you said wala namang kayo ni Damien"  sabay ikot ng mata nito. Shipper din kasi namin sya kaya isa sya sa mga na disappoint nung sinabi kong kaibigan lang kami.

" wag mo na akong pansinin baka hormones lang to."

"Well okay.. hmmm by the way how's Niknik and Nognog study?" 

"Okay naman ang dalawa, nag apply nga ng scholar at pumasa naman. Actually they don't have to do it kasi natutustusan ko naman ang pag aaral nila"

"Ano kaba girl diba scholar ka dati? Alam mo namang challenging yun, mas magiging competitive sila kasi may hinahabol na grade. Kaya mas maganda sa kanila yun"

Napangiti ako. Tony had a point. Naging malapit na talaga ito sa pamilya ko lalo na sa kapatid ko.  Sumama pa nga ito sakin ng isang lingo nung umuwi ako kaya mas lalo syang napalapit sa pamilya ko.

"You're right hmmm sige na i have to go baka tapos na ang meeting ni Thunder. Kailangan ko pa tong ihatid." Sabay angat sa kape na kakabili ko lang kanina sa labas.

"Okay, ciao!! May lakad din ako"

"Mang lalake ka na naman" kinindatan nya lang ako sabay talikod sakin. Napa iling nalang ako. Sabi ni Tita Delia may kinikita daw si Tony pero lage namang sinasabi na wala itong jowa. Napaka secretive talaga sabi ni Mercy natatakot lang daw si Tony dahil baka sya ang magustuhan at iwanan ng tuluyan si Tony pag nameet na sya.

Napatawa naman kaming lahat sa sinabi nyang yun. Di lang pala sya malaway mahangin din daw sabi ni Jay na ngayon ay Jade na.

Oh diba lumadlad narin ang vaklush na friend namin takot kasi syang mahalikan ni Mercy.

Nung pumasok ako sa office ni Thunder ay nandoon na sya. Tipid ko syang nginitian.

"Coffee" sabi ko sa kanya.  Lumapit ako sa mesa nya at inihanda ang kape para sa kanya. Kinuha ko narin ang mga folders na para sa akin.

"Are you okay?"  Nag angat ako ng tingin dahil sa tanong nya.

"Oo naman" big lie.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon