Tulad ng huling sinabi ko ay sinubukan kong buksan ang sarili sa iba. At nag tagumpay ako, naging kaibigan ko si Anderson pati narin ang mga ka team nya. Oo, hanggang kaibigan lang dahil priority ko parin ang pag aaral ko.Tanggap naman nya ang naging pasya ko kaya hanggang ngayon nag aantay parin sya kung kailan maging handa ako. Sapat na sa kanya ang oras na nilalaan ko para sa kanya. Tulad ng pagsabay sa kanya sa lunch, panonood ng laro nila at pag aaral namin ng sabay sa library.
He still didn't stop doing sweet things that always leave me in an "Awe" and kilig. Sabi nga ni Magi commitment lang ang kulang sa amin, dahil ang mga bagay na ginagawa namin ay karaniwang ginagawa ng magkasintahan. But not the kiss huh? Just holding hands and akbay lang.
Its not hard to fall in love with Anderson, actually for two years aminado ako na he's slowly invading my heart. There were times that i almost gave in, na gusto kong lagyan ng label kung ano kami pero nandoon parin yung pag aalangan. Naiipit ako sa desisyon ko dahil pag aaral ang una kong priority, suportado naman ako ni Mamang at Papa but i need to stand my decision before.
"It's okay Elle I can always wait, Don't rush yourself" at matamis na ngumiti si Anderson sakin. The sun rays in his gorgeous face, he's perfect. iwan ko ba kung bakit ako napag tyagaan nito kung tutuusin marami namang nagkakandarapa sa kanya.
Andito kami ngayon sa boulevard nagpahangin at pinanood ang magandang pagsilop ng araw.
Nahuli nya akong nakatingin sa mukha nya and the way he stared at me makes my heart beat rapidly. Kaba ba go dahil sa pagka huli nya?
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung bumaba ang tingin nya sa labi ko. I just felt the urge to kiss him, i wonder how his lips taste like. Mukhang ang lambot lambot kasi nito.
He leaned closer towards me, closer and closer. Na kahit ako ay lumalapit narin sa kanya. I felt nervous but at the same time happy and excited.
Malapit na eh, pero biglang tumunog ang cellphone kong de. Keypad parin na sobrang loyal sa akin. Bumalik kami sa realidad at nilusob ng ako ng hiya. Alam kong ganun din sya dahil sa kitang kita ko kung paano mamula ang mukha nya..
"So—sorry" napakamot sa sa ulo. How cute..
"Sagutin ko lang huh?"
"Sige lang, balikan ko muna ang pinaluto kong barbecue baka gutom kana"
Tumango ako sa kanya at napangiti nalang nung makaalis na sya. Hinarap ko ang phone kong tunog parin ng tunog.
"Ang epal mo rin noh? Bad timing ka talaga" kausap ko sa cellphone kong nagriring parin at galing pa talaga sa di ko kilalang numero.
So you lile to kiss him? Kayo naba kung makahalik ka eh?
I mentally scolded myself..
Tsssss. Sagutin ko na nga ang epal na to..
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romance"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020