II.24

1.9K 62 16
                                    

A/N: been very busy lately guys kaya di nakapag update l

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: been very busy lately guys kaya di nakapag update l. Ang dami kong ginawa but it's all worth it.  Last February 04 i received the best birthday gift ever ☺️😍 it was a good news from my doctor and i was so happy about it. Kaya kayo always take good care of your health huh? At ang tanging maadvice ko sa inyo ay iwasan niyo talagang magpuyat dahil napakaraming sakit ang pwedeng makuha natin dahil doon. So i had plenty of rest the whole day kaya nakapag sulat ako now. I hope you enjoy this Chapter.

"But there's a danger in loving somebody to much, and it's bad when you know it's your heart you can't trust. There's a reason why people don't stay where they are. Baby, sometimes love just ain't enough."

Napatulala si Thunder sa narinig na kinanta ng singer. Pinaglalaruan talaga siya ng pagkakataon.

Lalaban siya pero heto siya ngayon sa harap ng bar counter at may hawak na alak. Kahit pala gaano ka katapang pag nasaktan ka ng taong mahal mo ay manghihina ka talaga.

Kahit patatagin niya ang sarili niya ay natitibag talaga ito pagdating kay Elle.

Nagtatalo ang puso at isip niya kung ang kasiyahan ba nito o ang kasiyahan niya o ng anak niya ang pipiliin.

Sumasakit na ang ulo niya pati ang dibdib niya kanina pa naninikip. Sa tuwing naalala niya ang mga ngiti nito habang kasama ang pinsan niya parang nababasag ang puso niya.

Napakuyom naman ang kamay niya ng maalala niyo ang kamay ng pinsan na nakapulopot sa beywang ni Elle.

"One more shot please, yung pinaka matapang mong alak diyan" sabi niya sa babaeng bartender, pinay ito at kilala na niya ito dahil suki narin siya sa bar na to pag nagsawa na siya sa hotel nila or sa bar niya sa bahay. Hanggat maari din ay umiwas na siya sa pag inom. Pero sa ganitong pagkakataon ay di niya talaga maiwasang uminom.

"Trouble in paradise sir?" Ngiti sa kanya ng bartender. Ngumiti naman si Thunder dito pero di umabot sa mata niya at tumango.

"Im slowly drowning" sagot niya dito at napatingin nalang sa kawalan.

"Akala ko nakaahon kana? Kaya gulat nga ako nakita ulit kita dito" sabi ng babae habang nagmimix ng alak.

"Akala ko nga rin eh, but i was so wrong" mapait siyang ngumiti.

Habang sumisimsim siya ng pinaka matapang na alak na bigay ng bartender sa kanya ay naglalakbay ang isip niya kung paano hulihin ang loob ni Elle.

"Wag kang mag alala Sweetheart kasi pag bumalik ka sakin I'll do everything to see you smile just like before. I'll make you more happy at mas masaya pa ang makikita ko sa ngiti mo kumpara sa pagpapangiti niya sayo"

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon