She woke up with a massive headache. Napakagat labi sya dahil parang sasabog ang ulo nya sa sobrang sakit.Maya maya ay tila hinahalukay ang sikmura nya kaya agad agad syang bumangon at mabilis na sumuka sa cr.
Di sya tumigil hanggat pakiramdam nya ay may laman parin ang tyan nya. She wanted everything out of her stomach.
Napangiwi sya nung magsuka sya ng sobrang dilaw na likido at napaka pait nito.
Isinusumpa nya na di na talaga sya uulit. Naka ilang pitchel na malamig na tubig na ba sya? Well, di na nya mabilang dahil ilang ulit din syang sumuka pagkatapos uminom.
Napatingin sya sa salamin at nakita ang magulo nyang buhok at pungay na mata.
Sheyyt!!! Pakiramdam ko lasing parin ako hanggang ngayon. Wahhhh!!!! Ayaw ko na talagang uminom.
Ginulo gulo nya ang buhok sa inis. Kukuhanin sana nya ang bag sa side table dahil nakita nya iyon doon ng may mahagip ang mata nya. Isang aspirin, di naman nya alam kung bakit napunta ito doon kaya di nya pinansin.
Kinuha nya ang kanyang phone at agad nag research ng gamot para hangover. Marami syang nakita at kabilang na doon ang aspirin.
Agad naman nya itong kinuha at ininom, nag timpla din sya ng kape kasi yun ang isa sa mga lunas na nabasa nya.
Nakatulala si Elle habang iniisip kung anong nangyari kagabi? Paano sya naka uwi? At sana din wala syang ginawang kabalastugan nung mga panahong lasing sya.
She spent all of her day in her little abode, lurking and sleeping her hangover out.
She decided to cook a soup after her sleep para maibsan ang pangangasim ng kanyang sikmura. Hapon na, and she hated how unproductive she was.
Bakit ba ang dami paring umiinum kung ganito naman ang resulta pagkatapos? Naku!!! Isusumpa ko talaga ang naka imbemto sa alak.
Napasabunot nalang si Elle kasi wala sya masyadong maalala pagkatapos nyang makainom ng sunod sunod.
She still remember Will na nag knocked down dahil sa challenge nya dito at hanggang doon lang talaga ang naaalala nya. San ba nya kasi nadampot ang challenge na yun at kahit sya ay napasubo? For Pete's sake di sya umiinom.
And then instantly, she remembered why she wanted to get drunk last night.
Mapait na napangiti si Elle.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romance"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020