Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"How's school buddy" nginitian ni Thunder ang anak na kakapasok palang sa opisina nya. Hila hila nito ang kanyang bag at attaché case, kasunod naman nito ang mga personal guard na si Dino.
Wala siyang choice kundi payagan ang anak sa pagpasok sa isang exclusive na school which is pag aari nila. Kahit ang gusto naman niya talaga ay I homeschooled ang anak.
Kahit papaano ay di naman nito tinatrato ang mga guro nya tulad ng mga nag tuturo dito dati. Kaya kahit papaano ay nakahinga naman sya. Gustong gusto nyang magkaroon ng normal na buhay ang anak pero sa sitwasyon at estado nila ay imposible iyon.
Kaya marami syang inatasan na bantayan ang anak, kasama nito lage si Dino at dalawa pang personal guard at iba pa yung guard nito na nakamasid lang sa palagid at di nagpapakita sa madla. Now he understand his Mom, kaya pala ganun ito ka strikto sa sigurudad nya noon.
Di naman sumagot ang anak but instead iniwan nito ang gamit sa gilid ng couch sa opisina nya at tumungo sa kanya. Kumandong ito sa kanya at yumakap.
Napangiti naman si Thunder dahil sadyang malambing talaga ang anak. Pinugpog nya ito ng halik kaya humagikhik naman ito.
"Tay, stop na po. You know im ticklish" pilit nitong inilayo ang mukha nya dahil nakikiliti ito sa bigote nya.
"Ang bango parin ng baby ko" sabi ni Thunder.
"Tay! Diba. I told you im not a baby anymore? I drink my milk sa glass na po and i can tie my shoes alone and i can change my clothes alone narin po" Ginulo ni Thunder ang buhok ng anak. He's his little independent boy kahit noon paman pilit nitong maging independent.
"You will always Be Tatay's baby boy" at niyakap nya ang anak.
5 years na ito at limang taon narin ang nakalipas.
May pumasok na naman sa isip ni Thunder but he tried to shrugged it out because it doesn't deserve to be remembered. May mga bagay na kailangang tanggapin at kalimutan in order to move on and start another chapter of your life.
"Dad, i want fruit cake. Can we go home now and lets bake together?" He puppy eyed him. Napakagat naman si Thunder sa labi at nagpigil ng gigil. Kaya pala extra sweet ang anak nya ngayon, may request pala.
Well he's always available pagdating sa anak. Sanay na syang ipag sabay ang trabaho at pag aalaga sa anak. Walang wala ito nung baby pa ito at mas kailangan pa ng patnubay na pag aalaga. Just a piece of cake. Lalo na ngayon na marunong na itong alagaan ang sarili. He always understands his work at ayun dito ay ayaw nyang mahirapan si Tatay niya.