A/N: reminders lang po na di po edited tong gawa ko, kung may nakita kayong typo at wrong grammar pag pasensyahan nyo na po. Mobile update lang kasi to guys kaya expected na maraming mali, hihi.. Ciao and enjoy Thunder's story...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Madalas magkalaro si Margo at Elle samantalang si Thunder ay di gaanong nakikisali sa kanila at panay Video games ang nilalaro. Di naman makasabay si Thunder sa kanila kasi manika at luto lutuan ang nilalaro nilang dalawa.
Malayo din ang edad sa kanila nito. Pero madalas si Thunder nakabantay kay Margo, nung nakaraang araw kasi nagka bukol ito sa noo dahil sa kagagawan ni Elle.
Bata lang at naglalaro, di naman yun sinadya ni Elle na nung ibinato nya ang bato sa pader ay bumalik at sa noo ni Margo iyom tumama. Umiyak man si Margo pero di naman ito nagalit kay Elle, maliban nalang kay Thunder na naiinis sa kaibigan ng pinsan dahil sa kamalasang dala nito kay Margo. Masyado kasi itong magaslaw, wala naman sanang problema dahil sa pagkaka alam nya hyper ito na bata peri kasi si Margo madalas ang napapahamak.
Ang totoo naman ay natatakot si Elle kay Thunder. Di naman sya inaaway nito pero kakaiba ang tingin nito sa kanya. Alam mo yung tipong kaya syang kainin nito ng buhay. Kaya madalas pumapalpak sya pag anjan si Thunder sa paligid. Ang masama si Margo ang lageng na dadali.
Ilang beses na ba napunit ang short nya dahil kay Thunder? Lapitin sya ng disgrasya pag nasa malapit ito. Nung nakaraang araw sa sobrang gulat nya dito nung balak nyang pumasok sa kulungan ng mga manok ay sumabit ang short nya sa wire kaya napunit ito.
Nung nakaraan naman ay napa split sya ng di oras dahil bigla itong nagsalita sa likod habang tinuturuan nya ng piko si Margo kaya panibagong punit na naman. Kaya nag tataka na ang Mamang Claudine nya dahil sa mga punit nyang short, di pa naman marami ang damit nya dahil kapos sila.
Naiinis si Thunder kay Elle lalo na sa kakulitan nito, sobrang likot. Kabaliktaran naman nito si Margo na sobrang pino at hinhin kumilos kaya di sya sanay sa inaasal ni Elle. Kaya madalas nya itong binubuntutan.
"Wow, pretty gwapa gwapa!!" Pumalalpak pa si Elle dahil sa tuwa. Ang gaganda kasi ng manika ni Margo, at marami itong luto lutuan na laruan na dating pinangarap nya lang.
One afternoon nanood sila ng movie, actually si Thunder lang ang nanood pero nasa gilid sila nakikinood din. Tungkol ito sa mga zombie, bagay na ayaw ipa panood sa kanya ng Mamang nya ganun din yung Mommy ni Margo. Kaya mas naging gigil silang manood sa gilid ng sofa at di na pinansin ang marami nilang laruan.
Nagyayakapan silang dalawa pag nagugulat at natatakot. Wala namang umiyak sa kanila sa takot dahil dapat matapang sila. Kaya kahit si Margo ay naiiyak na sa takot ay tiniis nya, nawawala naman ang takot nya pag nayayakap sya ni Elle.
"Hooohhhhhh, that was scary" bulungan nilang dalawa nung pumuslit na sila sa hardin. Nanlalamig parin ang kamay ni Margo halatang di pa maka get over sa napanood nila.