II.21

1.8K 60 14
                                        

A/N: oh ayan na masyado na kayong spoiled sakin ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: oh ayan na masyado na kayong spoiled sakin ngayong araw.. may bonus pa sa huli 😂😂😂..  sont forget to vote guys..


Hinaplos ni Thunder ang mukha ni Elle na mahimbing na natutulog. Nakatagilid siya at kitang kita niya ang amo ng mukha ni Elle na naka unan sa kaliwang braso niya.

Di niya mapigilan ang damdaming rumaragasa sa loob niya.

The hatred, the pain, the longing and regrets ay nagsama sama na naipon sa puso niya.

Di namalayan ni Thunder ang pagpatak ng luha sa mata niya habang nakamasid kay Elle.

He missed her so much. Na kahit anong gawin niya para tumigas ang puso niya para dito ay bumibigay parin siya kalaonan.

All the happy memories flashed back like it was just yesterday. Na para bang di lumipas ang limang taon.

Her smiles, jokes, affection and the way she made me feel loved. When nobody else was there andiyan siya. Sanay ako na nandiyan siya lage kaya nung iniwan niya ako para akong napilay. Halos takasan na ako ng bait kung wala lang si Aya ay baka nabaliw na ako sa kakahanap kay Elle.

Ramdam ko na mahal niya parin ako. She even said it in my face crying and begging for my forgiveness. But every time i saw her and Damien together it confuses me kung talaga bang mahal niya ako.

Mas lalong nag patakan ang luha ni Thunder dahil hanggang ngayon nasasaktan parin siya dahil he was the reason that she cried hard.

Hinawakan niya ang kamay nito at pinagsiklop niya sa kanyang kamay. Ramdam niya ang tigas ng kamay ni Elle. Tila ba dinaig pa nito ang magsasaka na nag babanat ng buto araw araw sa bukid.

Saan ka ba talaga galing? What happened Elle? Handa na ba akong malaman ang katotohanan? I wanted answers.

Hinalikan niya ulit ang kamay ni Elle. Pumikit siya at dinamdam ang init ng kamay ng babaeng mahal niya. He also kissed Elle's forehead.

Patawarin mo ako.

Tuloy tuloy na tumulo ang luha ni Thunder. Mahina parin siya lalo na pag dating kay Elle. Kung alam lang nito kung gaano katagal niyang hiniling na mahawakan at mahalikan ito ng ganito. Kahit nung galit na galit na siya gusto niyang balikan ito at yakapin ng mahigpit at bawiin lahat ng masasakit na sinabi niya. Bawat masakit na nasabi niya kay Elle ay nasasaktan din siya pag nakita niya itong nasasaktan. Kinain siya ng galit pero nandoon parin sa isip niya na sana niyakap nalang niya ito at sinabihan na kahit lumipas ang matagal na panahon ay Mahal na mahal parin niya ito. Kahit sinaktan siya nito ay mahal parin niya ito.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon