Bente otso

1.2K 35 1
                                    

Nung nasa backstage na kami ay napahimas ako sa isang bote

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nung nasa backstage na kami ay napahimas ako sa isang bote.

"Pareng Daniel salamat sa tulong" at nagpunas sya ng pawis sa noo. Resulta iyon sa sobrang kaba nya kanina at dahil sa tulong ni pareng Daniel ay lumakas ang loob nya.

Ngayon lang may magandang idinulot sa akin ang alak. Two shots of Jack Daniels ang pinainom ni Tony sakin kanina para lakasan ang loob ko.

Pambihira naman kasi ang mga kasamahan ko isang sultry song ang pinakanta sakin. Para daw bongacious ang peg dahil wala daw ito sa personality ko.

As they said they always saw me animatedly talking and laughing. Mas madalas ko din silang pina prank at kinukulit. They never saw me flirting with someone kaya para maiba daw ay ang acoustic with matching seduction ang pinili nilang ipakanta sakin.

Pumasok ako sa comfort room para mag bihis. Nangangati na kasi ako sa soot ko na sobrang fit, kumakapit sa balat at di ako sanay.

Kaya sinoot ko ulit ang kulay itim na dress na may furry coat. I looked at myself in the mirror when i decided to came out from one of the cubicles.

I saw a different Elle. I look fiercer, strong and more like a lady. Mature ako tingnan sa dark red lipstick na soot at smokey eyes na make up. Gone the sweet and darling Elle.

Tingnan mo naman kung gaano nakapagbabago ang make up sa isang tao. Its like im staring at a different person.

Nagkibit balikat ako at di na binago ang make up sa akin ni Jay. Oh diba? Konting kembot nalang aamin narin ang isang yun na ka federasyon namin sya.

Pag labas ko sa CR ay sinalubong agad ako ng mga supporting workmate/avid fan/team. Oh diba bonga? May bitbit pa silang poster na gawa nila bilang supporta sa akin.

Nakakahiya nga kasi naka formal party kami ngayon tapos may bit bit silang ganun. Ang masaklap pa stolen pictures ang edinikit nila. Di man lang ako nakasuklay sa picture ko na yun dahil bagong gising ako galing sa breaktime namin. Bilog na bilog pa ang mata ko kasi nagulat ako.

Mga kaibigan ko ba talaga ang mga to? Namiss ko tuloy si Reese at Magi kasi di nila ako minamaltrato ng ganito. Samantalang ang mga to?

"Ayyyyieee!!! Gurl ang galing mo kanina"-Tony

"Oo nga bakla!! Di talaga kami nagkamali na ikaw ang presentee natin sa department. Ang bongga!! Naging lalaki ang mga baklita sa gilid gilid dahil sa makapanindig balahibo mong performance" sabi ni Mercy na nagpangiwi sakin, showering and sprinkling na naman kasi dahil sa sobrang saya.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon