Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Nicolette!!!!! Ikaw'ng bata ka mamatay ako sayo ng maaga"
Napakamot ako sa ulo. Si Maam Rita kasi ang aga aga.
"Maam diba po like mo yun?"
"Hay naku!! What will i do to you im just being sarcastic last day."
"Ayyyy, choori po.. pero masarap po yun, cake lang naman yun. Naalala lang kita nung mapa daan ako sa M'unique cafe" ngumuso si Elle.
"Hahay, okay thank you pero wag mo na ulitin yun huh? Takot ako sa gagamba at laking gulat ko nung binuksan ko ang box kanina akala ko aatakehin na ako sa puso"
Halloween kasi ngayon kaya may mga ganoong cupcake ang M'unique cafe.
"Gusto mo akin nalang ulit? Kainin nalang namin ni Reese?"
"No!" Mabilis na sagot ni Rita kaya napangiti si Elle.
"Binigay mo na sakin yun kaya akin na yun"
"Kahit ayaw mo sa gagamba?"
"Oo kahit na. i love the thought of you remembering me when you saw it"
"Oyyy si Maam hindi mahindian pag cupcakes" panunukso ni Reese dito.
"Syempre, masarap kaya cupcakes ng M'unique cafe so wala ng bawian. At kayong dalawa go back to work bago ko kayo ipamulto sa mga ligaw na kaluluwa sa third floor" napangiwi si Reese takot kasi ito sa third floor dahil sa hakahakang kumakalat.
Bumalik kami sa kanya kanya naming working place.
"Gurl may halloween party mamaya sa paborito nating club sumama kana. Minessage din ako ni Magi na isama ka daw"
"Hmmmm gusto kong manood mamaya ng horror movies eh" sabi naman ni Elle
"Sige na, tas May favor si Magi sabi nya ikaw nadaw magisip ng costume ko. Magaling ka daw doon"
Biglang na excite si Elle na parang bata. Pumalakpak pa ito at umaktong nag iisip.
"Sige sige alam ko na"
Kinagabihan........
"Gurl bakit naman ganito?"
"Diba sabi mo costume party naman yun kaya in na in yan doon"
Napatingin si Reese sa sarili nya sa salamin. Ginawa syang zombie ni Elle at parang di nya kayang lumabas na ganun ang itsura nya.
"Sana pala ako nalang nag isip. Gusto kong maging fairy nalang keysa ganito"
"Wag ka na ngang magreklamo jan, bagay naman sayo at isa pa pambata na yung fairy noh! Diba may premyo malay mo tayo manalo. Tingnan mo nga ako ang ganda ng pakpak ko. Bagay tayong dalawa magsama" humagikhik si Elle at tuwang tuwa sa costume nitong manananggal.
"Naku, walang sasayaw sayo mamaya baka takot na ilipad mo" di mapigilan ni Reese na matawa, mas malala kasi ang itsura ni Elle nagmukha talaga itong manananggal.