" bakit? "yan ang tanging salita na lumabas sa bibig ko pagkadating mo sa bahay galing trabaho. kahit hindi ko sabihin, alam ko na alam mo na ang tinutukoy ko.
" yoongi, bakit? ano bang kasalanan ko sayo? "
hindi ka sumagot, tila ba wala kang naririnig o dapat ko bang sabihin na nagbibingi-bingihan ka lang. ganyan ka naman parati, tinuturing ako na parang isang hangin. nararamdaman ngunit hindi nakikita.
patuloy ka lang sa pagtatanggal ng sapatos mo, at patuloy lang rin ako na umaasa na sasagutin mo ang tanong ko.
" yoongi... "
nainis ka, nagulat ako sa pagsigaw mo nang hindi mo maalis ang sintas ng sapatos mo dahil bumuhol ang tali nito.. mahirap tanggalin. ngunit alam ko na hindi ka ganun kababaw para lang magalit sa hindi matanggal na sintas ng sapatos. alam ko na sakin ka naiinis.
" tangina! "
nang hindi mo parin matanggal ang sintas, ako na mismo ang bolontaryong lumuhod sa harapan mo para tanggalin ang sintas mo. nasisiraan na siguro ako ng bait dahil habang sinusubukan kong tanggalin ang sintas mo ay hindi ko mapigilan na hindi mapaluha.
lalo na ng maramdaman ko ang hindi mapatid mong tingin sakin.
" ahhh! "
napadaing ako at napangiwi ng maramdaman ko ang paa mo sa kanang binti ko, sinipa mo ako dahilan para mawalan ako ng balanse. mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa mo. ramdam ko ang sobrang pagkagalit mo sakin lalo na kapag sinasaktan mo ako hindi lamang pisikal lalo na sa damdamin.
" ano bang problema mo?! bakit ba ang hina ng kokote mo?! ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang, huwag mo akong lalapitan at hahawakan?! "
tinuro-turo mo ako saaking sentido ng paulit-ulit, tila ba aksyon iyon upang tumatak sa isipan ko ang mga sinasabi mo.
naglakad ka palayo sakin at napagdiskitahan mo pang sipain ang upuan, tumilapon ito at nagitla ako ng bumagsak ito malapit sakin.
wala ka talagang pakialam kahit masaktan man ako. kahit konting malasakit man lang.
" siya pa rin ba? "
natigilan ka sa paglalakad, marahil ay narinig mo ang tanong ko.
hindi ka sumagot.
tahimik ka lamang nakatayo sa may hagdanan, nakakuyom ang mga kamay.
" mahal mo pa rin ba siya? "
alam ko na sobrang tanga ko na tanungin kita ng bagay na yan kahit pa alam ko na sobra akong masasaktan sa isasagot mo.
siguro ganun talaga, susugal ka sa mga bagay na gusto mong makuha kahit pa alam mo na masasaktan ka. dahil kapag hindi ka sumugal, walang mangyayari. hindi mo malalaman kung talo ka o mananalo ka.
" kahit pa siguro ilang ulit mong patunayan sakin kung gaano mo ako kamahal, hindi mo pa rin mapapantayan ang halaga niya sa buhay ko, jimin. "
tuluyan na akong nanghina nang marinig ko ang mga salitang nanggaling sayo mismo. totoong mas mahal mo siya kesa sakin, ni hindi ka man lang nag-alinlangan na bitawan ang masasakit na salita na iyon. wala lang sayo ang makita akong nasasaktan.
at tanggap ko yun,
tanggap ko na pangalawa lang ako sa buhay mo,
ni wala nga pala ako kahit na anong titolo jan sa puso mo, yoongi.
wala lang ako para sayo.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...