labing lima

374 26 5
                                    




wala kaming ibang magawa ni hyung kundi sundan ang mabibilis na paghakbang ni taehyung.

balisa kaming dalawa, parehong natatakot sa kahihinatnan ng pabigla-bigla naming desisyon. kung sakali man na magkagulo. labas dito si jin hyung, dahil ako ang pumilit sakanya na samahan ako. wala siyang kasalanan dahil ako lahat 'to, kasalanan ko lahat, yoongi.

parati naman 'di ba?

ganun nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang tumigil na si taehyung sa harap ng isang pinto.

kinuyom nito ang kamay niya at malalim na huminga bago walang pasabi na binuksan ang opisina ng ama.

kaagad kaming tumakbo ni jin hyung kasunod ni taehyung, bumungad samin ang eleganteng tao na huwaring hindi kayang mabayaran ng kahit ilang salapi. kahit hindi magsalita o gumalaw ay halata ang pagkamamahalin na tao dahil sa postura nito.
at itsura palang ng mukha ay nakakatakot na kagaya ng sinabi ni hyung. mukhang strikto.

" ganyan ka ba tinuruan pumasok ng pinto? pabagsak at wala man lang pagkatok? "

gusto kong hilahin palabas si taehyung ng saganun ay wala na siyang magawa na makakapagpaipit samin sa delikadong sitwasyon.

" walang nagturo sakin kumatok, di-doorbell kasi bahay natin. "

halos masapo ko na ang buong mukha ko dahil sa naging sagot ni taehyung sa ama niya. hindi ko alam kung seryoso ito o pabiro lang at sinusubukang pagaanin ang nagsisimulang mamuong tensyon sa loob ng kwarto.

halos manghina ang tuhod ko ng dumako samin ang tingin ni mr. kim, mas nakakatakot pa ito sa kung paano mo ako tignan, yoongi.

" andito ka rin pala, jin. anong sadya mo dito? "

hindi sumagot si hyung at piniling iyuko nalang ang ulo niya.

habang ako naman ay nagsisimulang mamuo ang pawis sa noo. labis ang nararamdaman kong kaba kahit wala pa man nangyayari.

" ako talaga ang may sadya sayo dito, tanda. "

nagbago ang ekspresyon ng mukha ni mr. kim, naging seryoso ito at tila ba ay isang teror na guro na handang bigyan ng parusa ang mga pasaway na estudyante.

tinignan ko si taehyung na hindi man lang natinag sa matalim na tingin ng ama dahil sa bastos na pagsagot nito at sa paraan ng pagtawag sakanya.

hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano umigting ang mga ngipin at kumuyom ang mga kamay ni taehyung dahil sa galit. sabay dumako ang tingin ko kay jin hyung na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin, tila hinihintay na lamang ang gagawin ng kaibigan.

hahakbang na sana ako upang pigilan ang pagbuka ng bibig ni taehyung kaso huli na ako, yoongi. nasabi niya na ang pagmumulan ng gulo, at ang posibleng ikagalit mo dahil sakin.

" stop whatever you're planning, pa.. i'm not going to marry who ever that guy is kahit siya pa ang hari o prinsepe ng north korea. "

nanlaki ang mga mata ng ama ni taehyung matapos na marinig ang sinabi ng anak. tumayo ito at marahang naglakad sa dereksyon ng anak. kita ang galit sa mga mata nito na siyang labis na nagpapanginig sa buo kong katawan.

" saan mo nalaman ang bagay na yan? hindi namin sinasabi sayo ng mama mo ang tungkol dito— seokjin?! "

mabilis na nag-angat ng tingin si hyung at bakas ang takot sa mga mata niya, gustong depensahan ang sarili ngunit hindi makapag-isip ng tama.

" t-tito, k-kase ano po... "

" walang kinalaman si jinnie hyung dito, papa. ang gusto ko, itigil niyo lahat ng kabaliwan na 'to! "

muling bumalik ang tingin ni mr. kim sa anak niya, halata ang pagtitimpi ng galit. hindi ko gusto ngayon ang nangyayari. ako ang may kasalanan kaya dapat ako ang gumawa ng solusyon.

" ikaw ang nababali na, taehyung. paano mo ako nagagawang sagot-sagutin ng ganyan? talaga bang bastos ka na at puro nalang kalokohan ang gagawin mo? "

" kayo ang gumagawa ng dahilan para hindi ko kayo galangin! "

" aba't talagang kinakalaban mo na ako— "

hindi ko na alam ang gagawin ko,

natatakot ako at kinakabahan.

wala akong maisip na ibang paraan lalo na't ng makita ko ang pag-angat ng kamay ng ama ni taehyung, handa na para dumampi sa katawan ng anak ngunit hindi ito nangyari dahil sakin...

i walk faster as i can, lowered my head down as i get mr. kim's attention.

" i am park jimin. min yoongi's boyfriend sir... "





Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon