apatnapu't apat

346 27 45
                                    




Mabilis na itinutulak ng mga nurse ang stretcher patungong emergency room, makalipas lang ang ilang minuto ng dumating ang mga pulis kasama ni jin ay nawalan na rin ng malay si Hoseok na siyang agad na isinugod sa hospital.

Labis na pag-aalala ang nararamdaman ngayon ni Jin hindi lamang dahil sa kalagayan ni Hoseok kundi para na rin sa sitwasyon nila.

Masasabi niya ngayon na masyado ngang mapaglaro ang tadhana. Walang pinipiling tao. Kung pwede lang sigurong takbuhan lahat ng sitwasyon na kinakaharap nila— siguro hindi na nila kailangan pang masaktan, manakit, o kahit pa ang gumawa ng bagay para lamang sa taong mahal mo. .

Napatigil siya sa paglalakad parito at paroon ng marinig niya ang isang pamilyar na boses ang tumawag sakanyang pangalan.

Mabilis niyang hinarap ang taong yun na siya na ring naglalakad palapit sakanya, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito. Ibinuka nito ang mga bisig at mabilis na ikinulong siya nito sakanyang mga braso para sa mainit na yakap.

"Anong nangyari kay Hoseok? Okay lang ba siya?"

"Nasa loob pa rin siya ng E.R, tinatanggal pa nila ang bala ng baril sa likod niya. He'll be fine."

Nakahinga ng maluwag si Namjoon, masyado siyang nag-alala para sa malapit niyang kaibigan na si Hoseok. Ngunit agad ding napakunot ang noo niya ng makita niya ang tila hindi mapanatag na si Jin. Masyadong malayo ang iniisip. Alam niya na hindi tungkol kay Hoseok ang pinoproblema nito.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Jin. Napatingin sakanya ang nakakatanda, tinitigan niya ito deretsyo sakanyang mga mata. Only making the whole atmosphere heavier than it already was before.

"Tell me, what's running in your mind?"

Napakamot ng kanyang batok si Jin. He knows it makes no sense kung magsisinungaling pa siya kay Namjoon, after all, Namjoon knows him so much.

"I'm worrying about Yoongi and Jimin."

Bahagyang natigilan si Namjoon. Hindi niya kasi alam kung bakit naman mag-aalala si Jin sa mga ito.

"Why? May nangyari ba sakanila?"

"Wala pa.."

"'Wala pa'? Ibig sabihin merong mangyayari? Hey, tell me. . May alam ka ba na hindi ko alam?"

Nag-iwas ng tingin si Jin, hindi alam kung saan ba dapat na ilagay ang kanyang tingin. It makes him uncomfortable, tila pakiramdam niya ay lumiliit ang espasyo sa pagitan nila.

"Taehyung," nag-alangan pa siyang ituloy ang kanyang sasabihin. Ngunit nang makita ang hindi mapunit na titig sakanya ni Namjoon ay napahinga na lamang siya ng malalim. "Nasabi sakin ni Taehyung. . I-isusuko niya kung nasaan si Yoongi, pero tatakas din sila ni Jungkook pagkatapos."

Napabitaw si Namjoon mula sa pagkakahawak niya kay Jin. Just by imagining the whole situation makes him furious.

"He'll set Yoongi and Jimin as the trap. Nangyayari lang naman ang lahat ng ito dahil sa pagkagahaman ni Mr. Kim sa pera. Yoongi is the heirs of the Min corporation. Masyadong malaki ang kumpanya ng mga Min para palagpasin ito ng papa ni Taehyung. He couldn't just have a deal with Yoongi's father dahil kay Yoongi mismo pinamana ng lolo niya ang kumpanya. Ang ipakasal si Taehyung kay Yoongi ay para na ring instant tama sa loto ng bilyong halaga."

Hindi makagalaw si Namjoon, hindi makapaniwala sa naririnig ng sariling mga tenga. Hindi lubos maisip na may mga taong katulad ng ama ni Taehyung na handang gawin ang lahat para sa pera.

"Wala tayong dapat ipag-alala kay Yoongi. He won't be hurt, he's like a precious gem for them. Mas nag-aalala ako kay Jimin,"

"W-what do you mean?"

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon