- f l a s h b a c k -
7 years ago. . .'Nililigawan ko na siya. Nililigawan ko na si Taemin.'
Yan ang salitang nagpapaulit-ulit sa isipan ni Jimin kahit saan man siya magpunta.
Nagsasawa na nga siya dahil parang isa na itong musika na nasa top chart sa loob ng isang linggo. Bawat salita, bawat patinig at katinig ay kabisado niya na, kahit sa paraan ng pagkakasabi sakanya ni Yoongi ay yun din ang paulit-ulit niyang naririnig.Masakit yun sakanya.
Sobra.
Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang labas ng relasyon niyong dalawa ay pinaasa ka?
May dahilan siya para umasa, hindi lang naman siya basta-basta lang nag-assume ng walang basehan dahil mismong si Yoongi na ang nagsabi na mutual sila— hindi nga lang malinaw yung pagkakasabi nito, pero kung ang pagbabasehan ay ang pagtrato sakanya ng binata ay walang duda na may gusto rin ito sakanya. Mas nakakaduda pa nga yung advertisement ng sabon na 99.9 percent daw nakakapatay ng germs.
Ayaw niyang magpaapekto. Hindi din naman siya pwedeng magselos at ipagdamot si Yoongi dahil una sa lahat, hindi niya naman ito pag-aari. Wala silang label, bukod sa pagiging mag 'bestfriend'. At hindi sapat na panghawakan yun para maging possessive siya.
Hindi lang talaga maiwasan ni Jimin na maitanong sa sarili niya kung ano ang nakita ni Yoongi sa kakambal niya ganung wala naman sila halos na pinagkaiba.
Isang buwan,
At sa isang buwan na yun ay halos hindi niya na nakakasama si Yoongi, sa isang buwan na yun ay mas naging malapit na ang kapatid niya at si Yoongi, sa isang buwan na yun ay walang araw na hindi siya nasaktan. Walang araw na hindi siya umiyak.
At sa isang buwan na yun ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ulit si Yoongi. Muling magtapat kung yun man ang nararapat niyang gawin, baka sakaling maalala ni Yoongi na siya naman ang una nitong nagustuhan.
Nakatayo siya ngayon sa harap ng apartment na tinutuluyan ni Yoongi. Ito lang ang mag-isa sa nasabing apartment dahil parati namang nasa business trip ang mga magulang niya, ayaw niya naman magpaiwan sa bahay nila na triple ang laki, mas lalo lang siyang nalulungkot. At least dito sa apartment magkalapitan lang sa naturang bahay nina Jimin, walking distance.
Huminga muna siya ng malalim, inayos ang sarili at saka walang paalam na pinihit ang knob ng pintuan.
Wala naman kay Yoongi kung basta-basta nalang papasok si Jimin sa apartment niya. Binigyan niya naman ito ng pahintulot. Ganun sila ka-close— noon.
"Yoongi hyung?"
Pagtawag niya sa nakakatanda. Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng sala. Nakita niya ang iilang gamit ni Yoongi na nakalagay sa center table, nandun din ang cellphone nito at susi ng apartment kaya sigurado siya na nandito sa loob si Yoongi.
May narinig siyang kalampag mula sa kusina, napangiti siya at saka nagsimulang humakbang patungo doon.
"Hyung, nandito—"
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...