dalawampu't walo

326 27 8
                                    




" imposible na makapuslit tayo sa loob, kookie. masyadong maraming bantay. "

napabuntong hininga si jungkook matapos ibalik ang tingin niya sa kwarto ng kanyang kuya sungjin na napapaligiran ng mga tauhan ng papa ni taehyung, bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. halo-halo na rin ang nararamdaman niya para sa pamilyang naiwan niya. nag-aalala siya sa kalagayan ng kapatid at mga magulang niya.

" susubukan ko lang, hyung. h-hindi naman ata nila ako kilala. gusto ko lang talaga makita kung ayos lang si kuya pati na sina mama at papa. "

agad na umiling si taehyung sa sinabi ni jungkook. hindi siya kumbensido na hindi ito kilala ng mga tauhan ng papa niya. iwinaksi rin ni jungkook ang kamay ni taehyung ng hawakan siya nito upang sana hilahin na paalis sa pinagtataguan natin.

napayuko ako, pinaglaruan ko ang mga daliri ko. siguro wala namang mangyayari kung gagawin ko ang naiisip ko.

" ako nalang ang papasok sa loob, tutal, hindi naman nila ako kilala. kayong tatlo lang naman siguro ang pinaghahanap nila 'di ba? "

nag-aalangang suhestiyon ko.

sabay-sabay kayong napatingin sakin, nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni jungkook, tila nabuhayan siya dahil sa narinig niya mula sakin. salungat sa naging reaksyon mo yoongi, alam ko na hindi mo gusto ang naisip ko.

" sabihin mo lang kay kuya na okay lang ako, huwag kako siya mag-alala sakin kasi kasama ko si taehyung at ligtas ako kapag kasama ko si taetae, mahal na mahal ko siya at sabihin mo na magpagaling na rin siya. "

ngumiti ako at tumango ng matapos na si jungkook sa ibinibilin niya sakin. maglalakad na sana ako upang pumunta sa kwarto ng hawakan mo yung kamay ko kaya naman napatigil ako.

tumitig ka lang sa mga mata ko, parang pinapako mo ako sa kinatatayuan ko ng saganun ay hindi ako tumuloy sa balak ko. ngumiti ako sayo, sinisiguro ko na walang masamang mangyayari sakin. ngunit sa hindi ko inaasahan na pangyayari, bigla mo nalang akong hinalikan sa mga labi ko na siyang nagpapula sa buo kong mukha. nakita ko pa ang pag ngisi ng dalawa nating kasama, nang-aasar dahil sa ginawa mo.

" huwag ka lang papahalata, just act normal. "

tumango ako at saka pinagpatuloy na ang paglalakad.

bakit kasi naging ganito ang takbo ng buhay natin, biglaan nalang na tumatakas tayo na para bang may mabigat tayong kasalanan na nagawa, nagtatago na parang mga preso na ayaw magpahuli.

ang gusto ko lang naman mahalin mo ako, hindi yung magiging mala aksyon ang buhay natin. mahal mo na nga ako, okay na nga tayo. ang kaso, nagmukha naman tayong mga tnt na ofw. Tago ng tago.

" saan ka pupunta? "

hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay agad na akong hinarang ng isa sa mga lalaki, bigla akong kinabahan. ang lalaki nila, 'di hamak na talo nila ako, walang-wala ang pinag-aralan kong judo kung sila ang makakatapat ko.

" malamang sa loob. "

napakagat ako sa dila ko ng maging sarkastiko ang tono ng pananalita ko, hindi ko iyon sinasadya, talaga lang naiinis ako kaya nailabas ko sa pamamagitan ng tono ng pananalita ko.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon