apatnapu

325 25 28
                                        




hindi ko maitatanggi na nag-aalala ako para sa kung ano man ang kahihinatnan ng katigasan ng ulo natin, yoongi. si seokjin hyung, nasa isang tabi na lamang siya habang malayo ang iniisip. wala namang bakas ng galit sa mukha niya ngunit alam ko na desmayado siya sa naging desisyon natin, hindi din tayo nakinig sakanya. may konti akong nararamdamang hiya dahil may punto naman si hyung . . at hindi niya naman tayo kinukumbinse para sa pansarili niyang kapakanan, para 'yon saatin pero eto, sadyang matigas ang ulo mo at tila nagaya na rin ako sa katigasan niyan yoongi.

magkakalahating oras na akong nakatitig sa pintuan, inihahanda ang sarili ko sa posibleng mangyari. mula kanina ay hindi pa nagbabago ang kabog ng puso ko, kinakabahan pa rin ako. paano nga kung nagkamali tayo sa mga taong pinagkatiwalaan natin?

" okay lang ba kayo dito, hyung? aalis na kami, maaga pa magbubukas ng coffee shop bukas si jin hyung tapos may pasok din ako bukas marami pang gawain sa opisina. . "

nabaling ang atensyon ko kay namjoon na siyang nakatayo sa harapan mo, nagpapaalam sa pag-alis nila. tumango ka lang bilang sagot, tumingin sakin si namjoon hyung na siya ring nginitian ko. ngunit hindi si seokjin hyung at hoseok hyung, kung kanina ay wala silang kahit na anong reaksyon matapos natin tumanggi sa pagmamabuting loob nila ngayon na papaalis na sila ay saka lang bumakas ang pagkadesmaya sakanila, halata din ang pag-aalala na naiintindihan ko naman kung bakit. concern lang sila satin.

" jimin, "

pagtawag mo sa pangalan ko matapos ang ilang minuto ng pananahimik natin sa pag-alis nina namjoon, tumingin ako sayo, tinapik mo ang mga hita mo hindi na ako umarte pa at ginawa ang gusto mo. tumayo ako at naglakad palapit sayo, may kabagalan ang paglakad ko kaya naiinip mo akong tinititigan.

ngunit nang makalapit ako sayo ay nagdalawang isip ako kung uupo ba ako sa mga hita mo o tatayo nalang, mas lalong nagpailang sakin ang malagkit mong mga tingin . . minsan mo lang akong tignan ng ganyan kaya hindi ako sanay.

" upo. "

maotoridad mong sabi, hindi ako gumalaw kaya naman ay hinila mo ako sa pulsuhan dahilan para mapaupo ako sayo. nakatungo lang ako dahil sa biglaang pag-init ng mukha ko, nakakahiya kaya ang kumandong.

narinig ko ang malalim mong pagbuntong hininga, ramdam ko pa rin ang mga titig mo kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaangat ang tingin ko sayo.

" why are you too shy? "

hindi ako sumagot. hindi ko naman kailangan sagutin lahat ng tanong mo. at hindi na rin naman kailangan pang itanong ang ganyang bagay. halata naman kung bakit.

napaiwang nalang ang bibig ko ng kusa mong kinuha ang mga kamay ko, bolontaryo mong ipinulupot ang braso ko sa leeg mo, hinapit ako sa bewang at ginaya ang ulo ko sa dereksyon mo ng saganun ay magkasalubong ang mga mata natin.

minsan talaga yoongi, hindi kita maintindihan. minsan tila ba hindi kita kilala, kagaya ngayon, umaasta ka nanaman na waring ibang tao.

" ano ba'ng nangyayari, hyung? "

" ramdam ko pa rin na naiilang ka sakin, alam ko na ang tingin mo sakin ay yung yoongi pa na kaya kang saktan... " marahan niyang hinawi ang buhok na tumatakip sa mga mata ko, " alam ko iniisip mo pa rin na ginagawa ko 'to dahil sakanya. i'm doing this, jimin because i realized your worth. "

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon