labing apat

343 28 0
                                    




" ano?! hindi pwede! "

ito ang naging reaksyon ni taehyung matapos kong ikwento sakanya lahat.

sinabi ko sakanya ang plano ng mga magulang mo at mga magulang niya, ang posibleng pagpapakasal niyo na siya palang ayaw niya rin mangyari.

tinignan niya ako deretsyo saking mga mata, waring tinatanong sakin kung totoo ba lahat ng sinasabi ko.

hindi ko na nagawa pang makapagreak ng magsimula na itong maghysterical sa loob ng canteen ng kumpanya. nakakuha kami ng iilang atensyon mula sa ilang empleyado kaya binigyan namin sila ni jin hyung ng nagpapaumanhin na tingin.

" hindi pwede na ikasal ako sa isang tao na hindi ko naman kilala at higit sa lahat ay hindi ko mahal! "

hinawakan si jin hyung sa balikat at niyugyog nito na siyang nakapagpangiwi kay hyung.

" hindi pwede 'to jinnie hyung! anong gagawin natin? tulungan niyo ako! "

nang mapagod sa ginagawa ay itinigil niya ito, sunod ay isinubsob ang mukha sa mga braso na nakapatong sa mesa.

" hindi pwede, bakit? "

napabuntong hininga na lamang ako.

kahit ako ay hindi ko magagawang magpakasal sa isang taong hindi ko naman mahal. ngunit bakit kaya kong pagtiisan ang taong hindi ako kayang mahalin?

natawa nalang ako sa isip ko dahil sa mga bagay na naiisip ko na wala namang maitutulong sa problema.

" siguro, taehyung... umuwi ka nalang muna. magpahinga ka at saka nalang tayo mag-usap tungkol dito. "

sabi ni jin hyung na alam ko naman na sinusubukan niya lang pagaanin ang loob ni taehyung na ngayon ay halos bumagsak na dahil sa lungkot na nararamdaman.

siguro mali ang naging dedisyon ko na pumunta dito.

mukhang mas malaking gulo ang pinasok ko, yoongi.

" hindi! "

sabay kaming nagulat ni hyung dahil sa biglaang pagtayo ni taehyung at paghampas ng palad nito sa mesa.

hindi tulad kanina, ang mga mata nito na maaamo ay napalitan ng matatalim na titig, ang masigla nitong personalidad ay napalitan ng madilim na aura.

mas lalo akong kinabahan ng magsimula itong maglakad palabas ng canteen. nagkatinginan pa kami ni hyung na pawang walang ideya sa maaring mangyayari.

" sandali! saan ka pupunta?! "

dapat pala ay hindi na ako nagtanong.

dahil sa naging sagot niya ay halos magpatigil sa paghinga ko...









" i'm going to sue that old man! he can't just plan something without my permission.. he can't just let me marry someone i fvckng didn't know! "

hindi ko alam na ang kagustuhan kong makatulong sayo ay siya pa palang magpapalala ng sitwasyon.






but, i am not me if i won't let you hurt me just like that.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon