Mabilis na sinangga ni Namjoon gamit ng kamay niya ang malakas sanang palo mula kay Seokjin. Masama siya nitong tinitigan na binigyan niya lang nang kibit balikat."Bakit mo sinabi yun?"
"Bakit, bawal ba?"
Nagpipigil nang galit niya si Seokjin, minsan hindi niya rin maintindihan kung bakit at paano sila nagtatagal ni Namjoon ganung masyadong maiksi ang pasensya niya at masyado ring nakakaubos ng pasensya ang kasintahan niya. Siguro nga ganun naman talaga tayo pagdating sa pag-ibig, hindi lahat ng bagay ay dapat magkapareho kayo. Dapat sa pag-ibig balanse ang lahat. Sa ganung paraan, hindi man isang daang porsyento ang kasiguraduhan na magtatagal ang relasyon ninyong dalawa ang mahalaga kaya ninyong panindigan at panghawakan ang relasyon na meron kayo. Opposite attracts ika nga.
"I swear Namjoon, kapag may masamang nangyari kay Jimin dahil sa kagaguhan mo, kalimutan mo nang may Kim Seokjin kang nakilala sa buhay mo."
Pilit pinigilan ni Namjoon na matawa sa narinig niya. Ayaw niyang isipin ni Jin na hindi niya ito sineseryoso, gayung alam niya naman na hanggang pag-babanta lang ang kaya nito.
May malaking dahilan siya kung bakit niya sinabi yun kay Jimin.
Una, masyado na siyang napapagod sa kung ano man ang estado ng relasyon ng dalawa. Kahit wala namang sa dalawa ang magsalita tungkol sa totoong nararamdaman nila, halata naman eh. Sa kilos palang wala nang duda. Masyado lang pinangungunahan ng takot ang dalawa kaya walang may lakas ng loob ang umamin.
"Seryoso ako." Pag-babanta ulit ni Seokjin nang makita niyang tila ano mang oras ay tatawa na si Namjoon dahil sa sinabi niya.
Hinapit ni Namjoon sa bewang ang nakakatanda, tinitigan niya ito sa mata at saka marahang binigyan ng halik sa tuktok ng kanyang ulo. "Yoongi loves Jimin, believe me." He smiled. "Masyado lang tanga si Yoongi hyung para hindi ito kaagad mapagtanto ng mas maaga, pero maniwala ka... simula palang, mahal niya na si Jimin."
"Asan siya?"
Sinamaan ng tingin ni Seokjin si Namjoon at saka inilayo ang sarili mula sa pagkakayakap nito sakanya upang malapitan ang kaibigan na puno ng pag-aalala at takot.
Hindi alam ni Seokjin ang tumatakbo sa utak ni Namjoon at ng iba pa para lokohin nila ng ganito si Jimin. This kid would cry nonstop for sure.
"Seokjin hyung, a-asan si Yoongi?"
Tama nga siya, wala nang tigil sa pag-iyak si Jimin. Halos mawalan na ito ng hininga dahil sa labis na pag-iyak sa pag-aakalang wala na si Yoongi.
"Jimin!"
Hindi niya na nagawa pang pigilan si Jimin nang tumakbo ito patungo sa sasakyan ng mga pulis kung saan nakita niya ang taong pinaka-kinasusuklaman niya, "hayop ka! Bakit mo siya pinatay?! Bakit mo ginawa kay Yoongi yun?!" Binigyan niya lang naman ng malakas na suntok ang nagtatakang matanda. Susugod pa sana siya kung hindi lang sa mga kaibigan niya na pumigil sa kanya.
"Bitawan niyo ako! Tangina niyo! Alam mo tanda, kahit papaano may respeto pa rin ako na natitira sayo pero naubos na yun ngayon! Kahit matanda ka papatulan talaga kita!"
"Jimin, makinig ka muna."
"Ayoko! Tangina bitaw!"
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...