limampu't tatlo

296 24 26
                                    




I.

"Kamusta si Yoongi hyung?"

Nilapitan ni Taehyung ang kaninang pang tahimik na si Jimin. Nakaupo ito sa isang gilid sa garden ng hospital, masyadong malayo ang iniisip, mailang ulit rin na napapabuntong hininga.
Bakas sa mga mata nito ang hindi maitatangging pag-aalala ganun din ang labis na kalungkutan na hindi matukoy ni Taehyung kung ano ang dahilan.

Tinitigan niya ito ng mariin at may halong pagtataka ng wala man lang siyang makuhang sagot mula dito.

"Jimin? May problema ba?"

Alam ni Taehyung na medyo hindi tama ang naging tanong niya ganung halata naman na may pinoproblema nga si Jimin. Just by looking at the guy, he knows something is off. It is somehow because of Yoongi or maybe other things.

"Ang tanga ko."

Kinailangang ilapit ni Taehyung ang kanyang mukha kay Jimin nang magsimula itong bumulong ng mga salita sa hangin.

"Bakit kasi hindi nalang ako nakinig kay Taemin? Kung sana nakinig ako na bumalik nalang sa venue, baka sakaling buhay pa rin siya at baka sakaling— argh! Bakit kasi ang tanga-tanga mo, Jimin?"

Nabigla si Taehyung ng paulit-ulit na paluin nito ang kanyang ulo gamit ang nakakuyom na kamao, hinawakan niya ang kamay nito upang pigilan na mas lalo pang masaktan ang sarili niya.

Inangat ang ulo niya at tumingin kay Taehyung gamit ang malamlam niyang mga mata, "Taehyung, ang tanga ko. Kasalanan ko nga lahat, kasalanan ko kung bakit nasasaktan si Yoongi hyung hanggang ngayon." Binitawan ni Taehyung ang kanyang mga kamay at dito na siya nagkaroon ng pagkakataon upang ibaon ang mukha niya sa kanyang mga palad at dito umiyak habang hinahayaan ang mga alaala na mag-laro sa isipan niya.






"A-ano naman ang sasabihin mo sakin?"

Huminga si Yoongi nang malalim, tinutulungan ang sarili na kumalma. Deretsyo niyang tinitigan ang nakababata, na siyang nagpailang sa isa.

"Tungkol kay Taemin, nung araw mismo na namatay siya.." tumigil si Yoongi, bahagyang pinagmasdan ang naguguluhang mukha ni Jimin."w-wala ka talagang ideya sa kung ano ang nangyari ng araw na yun?"

"Hyung, kung sisisihin mo nanaman ako sa nangyari sa kapatid ko.. pagbibintangan ako na siyang may kasalanan sa pagkamatay niya," ngumisi siya bago ipagpatuloy ang sinasabi. "Tanggap ko nang habang buhay mo akong kamumuhian dahil sa nangyari, dahil ako mismo sa sarili ko, galit na galit ako dahil wala akong nagawa para iligtas ang kapatid ko. Aksidente ang nangyari pero kung ikakasaya mo oras na akuin ko ang aksidenteng iyon, puwes gagawin ko... aakuin ko ngayon din na ako nga ang pumatay sa kapatid ko."

Alam ni Yoongi sa sarili niya na hindi niya kaya lalo na kung makikita niyang nasasaktan si Jimin. Years been passed but he sill couldn't believe himself that he made to despised Jimin all through the years, when he knows that Jimin doesn't have anything to do with the incident.

Nabalot sila ng sandaling katahimikan.

At sa sandaling minutong natahimik sila ay nagkaroon ng pagkakataon si Yoongi na makapag-isip kung dapat niya bang sabihin ang lahat-lahat kay Jimin.

Simula't sapul, alam ni Yoongi na hindi niya dapat isinisi lahat kay Jimin.

He let himself be fooled by his own heart. By too much loving Taemin, he blamed it all to Jimin just so all of the pain and misery would be lessened.

He let himself be drowned by his own foolishness.

Ikinuyom ni Yoongi ang kanyang kamao, "Tinanggihan niya ang engagement ko nung araw na iyon."

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon