naubo at nabahing ako ng buksan mo ang pintuan ng rest house nina hoseok, hindi ko alam kung ilang dekada o taon na ba itong hindi nagagamit. madilim ang buong paligid, masyado ding tahimik. malamig ang simoy ng hangin at hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng pandinig ko o talagang may naririnig akong pag-hampas ng dagat sa dalampasigan." tangna! "
napatingin ako sayo– usually, hindi kita nakikita kasi madilim. pero nakikita ko ang hubog ng katawan mo as a silhouette. hinawakan mo ang kamay ko at hinila ako habang binubuksan mo ang cellphone mo upang magsilbing ilaw natin.
kaya ka pala napamura dahil walang kuryente ang rest house.
kinuha ko rin ang cellphone ko at binuksan ang flashlight, dahilan para mas maging maliwanag pa ang paligid. hindi maayos ang bahay, maraming alikabok at ang ibang gamit ay natatakpan ng mga puting tela. hindi siya malaki, hindi din maliit. tama lang para sa dalawang tao.
" matagal ng hindi ginagamit ang rest house nina, hoseok. sa pagkaka-alala ko, huli kaming nakapunta dito ng barkada nag-aaral pa kami– kasama nga siya nun eh. "
" walang kuryente at tubig? "
nakita ko ang simpleng pagtango mo bago mo inilapag ang cellphone mo sa mesa. naglakad ka sa kabuuan ng sala, tila may hinahanap. nakakita ka ng tambak ng mga hindi na ginagamit na karton, kinuha mo ito at dinala sa gitna ng sala. tumingin ka sakin at ngumiti.
" antok ka na ba? dito na lang muna tayo matutulog, mainit kasi dun sa kwarto. okay lang ba? "
hindi ako sumagot, pinanonood lang kita sa ginagawa mo.
" o gusto mo, sa kotse ka nalang matulog? buti dun may aircon, komportable ka pa.. halika dun ka—"
" okay na ako dito, hyung. you don't have to worry about me. "
natahimik ka na at ipinagpatuloy na rin ang ginagawa mo. nahalata mo siguro ang tono ng pananalita ko.
hindi ko kasi maintindihan, naninibago ako. masyado mo akong binibigyan ng pansin ngayon, mabait ka rin sakin at malambing. pakiramdam ko tuloy, hindi ikaw yan. pakiramdam ko, nagpapanggap ka lang.hindi mo naman kasi ako masisisi, nasanay na ako sayo na parati mo akong pinagtataasan ng boses, madalas saktan, ni hindi matignan at mahawakan man lang.
" m-may kumot dun sa kotse, kukunin ko lang.. pansapin dito para hindi gaano matigas ang hihigaan natin. "
bumalik ka dala ang kumot at isang mahabang unan. mabuti nalang pala at mahilig kang matulog. parating handa pagdating sa tulugan.
nauna ka ng maupo sa lapag habang tinapik mo yung katabi mo, yung malapit sa may pinto. tumayo ako at sumunod sa inuutos mo sakin. hinila mo ako kaagad pahiga at ang braso mo ang ginawa kong unan despite meron ka namang dalang unan kanina. nakatalikod ako sayo, ipinulupot mo ang isa mong kamay sa bewang ko kaya naman ay yakap mo ako ngayon. ramdam ko ang pagtibok ng puso mo at ang malalim mong paghinga.
" sana, simula noon. ganito kana sakin, yoongi.. "
i felt your lips against my hair. mas hinigpitan mo pa ang yakap mo sakin dahilan para mas lumapit ang katawan natin sa isa't-isa. mula sa nakabukas na pinto ay natatanaw ko ang malaking buwan, hindi nga ko nagkamali kanina.. merong dagat, nagrereflect ang ilaw ng buwan sa dagat.
alam mo bang hindi ko gusto ang dagat?
malungkot ako kapag nakakakita ng dagat.
nagagalit ako.
natatakot.
siyempre alam mo kung bakit...
" mas masarap yung ganito 'di ba? yung maayos tayo, walang galit. walang tampuhan. walang sisishan. "
you hum as a response. pinadaan mo ang kamay mo sa buhok ko. ang ginamit mo ay yung braso na nahihigaan ko. hinawakan ko yung kamay mo na nakaakap sa bewang ko, you intertwined them and it almost melts my heart. too sweet.
" but i'm still sorry for what i have caused you. "
kahit hindi mo man ngayon sabihin, alam ko na sinisisi mo pa rin ako. siguro, pinipilit mo sa sarili mo na alisin ang galit sakin, pinapaniwala na wala akong kasalanan. pero hindi yun ganun kadali, lalo na't nandun ako mismo. nandun ako at wala akong nagawa.
" i'm sorry, hyung. "
you clicked your tongue as you felt your arms being wet. may karapatan akong umiyak kasi nalulungkot ako. nagi-guilty ako. inalis mo ang braso na nahihigaan ko, hinawakan mo ako sa balikat ay pinilit na mapatingin sakin, you sighed as you saw my tears. you wiped them using your thumbs. you smiled and quickly pecked me on my lips.
" let's start over again. let's go back to the times where in, ikaw palang yung nakikilala ko. let's rewrite our love story. "
but even we rewrite everything about us,
i will still end up being a fool.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...