" nasa presinto kami ngayon ni namjoon, pinuntahan ko siya dito pagkatapos niya akong tawagan. . malinis yung pagakakagawa ng krimen pero walang duda na sila lang din naman ang may gawa nito. "napakusot ng kanyang mga mata si hoseok na siyang kagigising lang mula sa pagtulog. wala naman siyang dapat na ikabahala dahil lang sa binabalaan siya ngayon ni jin na mag-ingat, ngunit iniisip niya pa lang na mismong anak nga nila ay kaya nilang kalabanin pano pa kaya ang mga taong nakakasalamuha ng mga anak nila.
" hoseok, nakikinig ka ba? "
ilang ulit na napakurap si hoseok ng makarinig ng iilang ingay mula sa labas ng kanyang kwarto.
bumangon siya mula sa pagkakahiga, nanatili lang nakadikit ang cellphone sakanyang tenga. mas naririnig niya na ngayon ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib kumpara sa mga salitang ibinibigkas ni jin sa kabilang linya.
" hoseok, nandyan ka pa ba? "
maingat na naglalakad si hoseok palabas ng kanyang kwarto, sinusubukang hindi makagawa ng kahit na ano mang ingay. rinig niya ang iilang maliliit na hakbang mula sa sala ng kanyang tinutuluyang apartment. may nadaanan siyang mop na ginamit niya kanina mula sa paglilinis, kinuha niya ito at mahigpit na hinawakan. . mabuti na ang maging handa.
" hyung, " pabulong na sigaw ni hoseok kay jin, " sa tingin ko merong ibang tao sa loob ng apartment ko. "
mas lalong humigpit ang hawak ni hoseok sa mop, inihahanda ang sarili sa anumang maaaring biglaang pag-atake.
" a-ano? umalis ka na jan ngayon na! hoseok? hoseok, naririnig mo ba ako? umalis ka na jan! "
napatigil si hoseok sa paghakbang ng makarinig ng mga yapak mula sakanyang likuran. hindi pa man siya nakakaharap, bigla nalang. . .
*bang!*
nagmamadaling lumuhod si jimin at walang pagdadalawang isip na hawakan ang mga bubog na nagkalat sa sahig dahil sa nabitawan niyang tasa ng kape na ibibigay niya sana kay yoongi. napatigil siya sa pagpupulot ng bubog ng masugatan siya.
" kahit kailan talaga tatanga-tanga ka! "
halos hindi niya na makita ang mga basag na bubog dahil sa unti-unting paglabo ng kanyang mga mata gawa ng mainit na likido na unti-unting namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. tila kailan lang ng marinig niya ang mga salitang iyon mula kay yoongi.
" i-ipagtitimpla nalang kita ul— "
" huwag na! nawalan na ako ng gana. kung pwede lang umalis ka na sa harapan ko. "
mahinahon ngunit may pagdidiin sa bawat salita. bakas ang galit na hindi na itinago pa ni yoongi. hindi niya na kailangan magpanggap para lang hindi niya na masaktan pa si jimin.
biglang nanginig ang mga kamay ni jimin. hindi din siya kaagad makatayo mula sa pagkakaluhod dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod. masyado siyang nasasaktan. hindi niya inaakala na muli na naman silang babalik sa nakasanayan.
pilit niyang nilunok ang bawat hikbi na pilit sanang kumakawala sa bibig niya. dahan-dahang inangat ang kanyang ulo dahilan para salubungin siya ng malamig na titig ni yoongi. those stare were dead and empty. well, he couldn't blame him to resent him for being such a fool again.
" h-hyung— "
" stop, " iniiwas ni yoongi ang kanyang mga mata kay jimin, hindi alam kung ano nga ba dapat ang kanyang maramdaman para sa nakababata. sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli siyang tatraydurin ng kanyang emosyon. " ayaw kong marinig ang boses mo. ayaw kong makarinig ng kahit na ano galing sayo. ayaw na ayaw ko ng maniwala sa mga kasinungalingan mo. hindi mo na ako madadala sa pagpapaawa mo. . "
napatikom ng bibig niya si jimin. napayuko ng kanyang ulo. pakiramdam niya ay nalulunod siya, hindi makahinga dahil sa tila ba malakas na pagragasa ng halo-halong emosyon sa loob niya. seems like he put his own hands around his throat. he couldn't breathe. he better just die than to live again in his own foolishness.
" huwag mo namang gawin sakin 'to hyung. . "
sarkastikong napangisi si yoongi dahil sakanyang narinig. lihim na napakuyom rin ng kanyang kamao.
" hindi ako ang may gawa niyan. ikaw mismo sa sarili mo ang nagpapahirap. ikaw . . ikaw naman talaga ang puno't dulo ng lahat. "
tila tumigil sa pag-ikot ang mundo, nabalot ng nakakabinging katahimikan sa loob ng apartment maging sa kabilang linya kung saan naiwang nakaiwang ang bibig ni jin matapos makarinig ng malakas na putok ng baril.
nabitawan ni hoseok ang kanyang cellphone maging ang hawak na mop. pinilit niyang tignan ang taong bumaril sakanya mula sa likuran.
" putangina hoseok, sumagot ka! "
napadaing at napatukod ang kanyang dalawang kamay ng may sumipa sakanya, mula sa pagkakayuko sa sahig ay may nakita siyang dalawang pares ng sapatos na tumigil mula sa harapan niya. kasunod nito ay ang tila nang-aasar na tawa ang bumalot sa loob ng apartment.
napaubo ng dugo at tila unti-unti ay bumibigat na ang talukap ni hoseok. nanghihina na siya.
" hanggang kailan kaya ninyo mapuprotektahan ang mga kaibigan niyo? "
umigting ang kanyang panga, nagsitaasan ang dugo sakanyang ulo. sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang paningin.
mabilis niyang hinawakan ang dalawang binti ng taong nakatayo sakanyang harapan dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba sa sahig. umupo siya sa tiyan nito at sunod-sunod na sinuntok ang matanda. sa kabila ng sakit na nararamdaman niya dahil sa tama ng bala sakanyang likuran ay malakas at sunod-sunod niyang napaulanan ng suntok ang ama ni taehyung dahil sakanyang galit.
may humila sakanya mula sa likuran. malakas siyang pinalo ng baril sakanyang ulo dahilan para umikot ang kanyang paningin.
" masyado kang matapang! ano ba'ng mapapala niyo sa pagtulong sa kaibigan niyo? napapahamak kayo dahil sakanila. ang maganda, sabihin mo nalang kung nasaan sila nagtatago. baka sakali mabuhay ka pa. "
napangisi si hoseok. muli ring napaubo ng dugo ng bigyan siya ng malakas na tadyad sakanyang sikmura. " b-bakit ko naman gagawin yun? hindi ako si judas para ipagkanulo ang mga kaibigan ko sa mga demonyong katulad niyo! "
humigpit ang hawak ng ama ni taehyung sakanyang baril na nakatutok kay hoseok. ilang pulgada na lamang ang layo ng daliri nito sa gatilyo ng baril ng may isang tauhan nila ang nagmamadaling pumasok sa apartment.
" boss, may mga pulis nang paparating. doon na tayo sa kabila dadaan. "
ibinalik ni mr. kim ang tingin kay hoseok.
" maswerte ka ngayon bata. hindi nga ikaw si judas pero dalawa sa kaibigan niyo ang magpapaka-judas para sa kapakanan nila. "
napapikit ai hoseok. napangiwi dahil sa pagkirot ng tama ng baril sakanyang likuran. hindi lang nagtagal ay may narinig siyang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan niya.
" hoseok-ah! hoseok, are you okay? "
matamlay na napangiti si hoseok sa nag-aalalang si jin.
" si taehyung at jungkook. . "
napalunok siya at malalim na napahugot ng hininga.
" bakit, anong meron sakanila? "
" masyado nilang mahal ang isa't-isa. sigurado ako na ginagawa lang nila ang bagay na sa tingin nila ay ikabubuti nilang dalawa. pero pano naman si jimin at yoongi? "
—
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...