dalawampu't anim

341 25 10
                                    




" you like strawberry flavor, right? here, take it! "

ilang beses akong napakurap at kamuntikan ko ng hindi masalo ang inihagis mo sakin. napalunok ako at nahihiyang iniyuko ang ulo ko matapos tayong tignan ng halos lahat ng tao na nasa pila ngayon papuntang counter. kahit yung cashier na nasa counter ay napatingin saatin.

prente kang tumabi sakin at inilihis ang tingin. alam ko ramdam mo rin ang tinginan ng mga tao saatin. bahagya kitang siniko dahilan para tignan mo ako.

" b-bakit mo naman inihagis 'to sakin? nakakahiya kaya, hyung! "

nagsalubong ang kilay mo sabay angat ng tingin mo sa mga tao ng hindi ginagalaw ang ulo. bumalik ang tingin mo sakin sabay ngisi.

" kanina ka pa nakatitig sa condom, naisip ko baka lang gusto mo kaya hindi mo maalis mga mata mo jan. "

" aishh, hindi ako sa condom nakatingin, hyung! doon kasi ako sa dairy milk nakatingin! gusto ko sana ng chocolate! "

napasimangot ako ng makarinig ako ng ilang paghagikhik mula sa mga taong nakakakita satin. lalo kong iniyuko ang ulo ko at isinuot ang face mask na tinanggal ko kanina.

napakamot ka ng batok mo at naiilang na ngumiti sakin.

" akin na, ibabalik ko. "

pilit mong kinukuha sakin yung condom na hanggang ngayon ay hawak ko pa. ngumuso ako at saka inilagay sa cart na may lamang mga pinamili natin ang karton ng condom na iyon.

" huwag na! magagamit din natin 'to! "

nakita ko ang pagkagulat sa mukha mo dahil sa sinabi ko. hindi kalaunan ay napangiti ka ng nakakaloko sabay taas baba ng kilay mo. napangiwi ako dahil sa naging reaksyon mo. itinulak ko na lamang ang cart dahil nakita ko na tapos na yung nasa unahan natin.

sumunod ka naman sakin pero hindi pa rin mawala sa mukha mo ang nakakalokong ngiti.

natapos na ang cashier sa pag punch in ng mga pinamili natin. halos nasa 190,000 KRW lahat ng pinili natin. kinuha mo ang wallet mo sa likod ng bulsa ng pantalon mo. binigay mo sa cashier ang credit card mo at agad niya naman itong kinuha sayo.

" i didn't know you had that kinky side, huh.. "

bulong mo sakin sabay sundot sa tagiliran ko na agad naman nakapagpatalon sakin dahil sa gulat.

" ah, sir.. "

sabay tayong napatingin sa cashier, agad na kumunot ang noo mo na tila alam mo na kung ano ang nangyayari.

" bakit, anong problema? "

" hindi po gumagana ang card niyo, naka-blocked po siya. "

agad nag-iba ang aura mo, bumalik sa dating yoongi na nakasanayan ko. ang yoongi na parating nakasimangot, ang yoongi na parating masungit.

" hindi pwede, it's my own card! my own money! sino namang sira ulo ang— si papa.. "

huminga ka ng malalim na parang kinakalma mo ang iyong sarili, inilagay mo ang mga kamay mo sa bewang mo at naglakad palayo sakin habang kagat ang pang-ibabang labi mo at nakakunot ang noo.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon