pito

437 32 8
                                    



maaga akong nagising, hindi muna ako gumalaw at nanatili lamang nakatitig sa puting kisame. ramdam ko ang paghinga mo sa tabi ko, ngunit mas ramdam ko ang mga nakaharang na unan sa pagitan natin. katabi nga kita sa pagtulog ngunit ganun ka naman kadistansya sakin, tila ayaw akong dikitan.

hindi ko alam kung paano nangyari lahat ng ito, yoongi. tila ba ang namamagitan satin ay isang malaking biruan lamang. isang laro na klarong-klaro kung sino na ang talo.

kung ganito din pala ang sitwasyon nating dalawa, sana hindi mo nalang tinanggap ang naging usapan ng mga magulang natin. sana sinabi mo sakanila ang totoo mong nararamdaman sakin.

nang maramdaman ko ang pagbabadya ng luha ko ay humarap ako saiyo, sinalubong ako ng maamo mong mukha, natatakpan ng iilang hibla ng buhok ang iyong mga mata, bahagyang nakabukas ang iyong bibig dahilan para gumawa ka ng munting ingay. dumako ang mga mata ko sa kamay mo na nakapatong sa unan na nakaharang sa pagitan natin, matagal na ng huli kitang nahawakan ng walang protesta galing sayo.

namiss ko ang lambot ng mga kamay mo, hinawakan ko ito kahit pa may posibilidad na magising ka at magalit sakin dahil sa pangangahas na hawakan ka.

nanginginig ang kamay ko ng mahawakan ko ang kamay mo, ramdam ko ang lambot nito tila kagaya kung paano kalambot ang mga labi mo.

ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, daig pa ang mga nangangarerang sasakyan sa bilis. daig pa ang tambol sa lakas ng kabog.

pinunan ko ang mga espasyo sa kamay mo sa pamamagitan ng mga daliri ko, napangiti ako ng makita ko kung gaano ito kaeksakto na tila ba isinukat ang kamay ko para sa kamay mo.

sunod na nangyari ay narinig ko na lamang ang sarili kong paghikbi.

hindi ko masabi sayo ng harapan, yoongi... pero nasasaktan na ako, napapagod na rin ako. ngunit ganun kita kamahal.

handa parin akong sumugal kahit alam kong talo na ako umpisa palang.

" please love me too, min yoongi "

pigil hininga akong nakatitig sayo nang gumalaw ka, inalis mo ang kamay mo sa pagkakahawak ko ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata mo. malalim pa rin ang tulog mo kaya nakahinga ako ng maluwag.

tumalikod ka sakin.

ang hindi ko alam ay narinig mo ang sinabi ko sayo,

narinig mo ang pagmamakaawa ko para sa pagmamahal mo,

pero bakit kahit konti ay hindi mo ako mapagbigyan?

ganun ba ako kahirap mahalin?

I don't deserve your love, jimin.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon