I.Mabilis na napaatras sakanyang kinatatayuan si Jungkook ng may biglang nagbukas ng pintuan ng kwarto ng kuya niya. Panandalian siyang hindi nakahinga, sa pag-aakalang isa ito sa mga tauhan ni mister Kim.
Lihim na napakunot ang noo niya ng senyasan siya ng taong kakapasok lang, inilagay nito ang hintuturo sa kanyang labi na natatakpan ng mask, indikasyon na huwag siyang gumawa ng kahit anong ingay.
Doon siya nabuhayan ng maalala ang napag-usapan nila ni Jimin sa telepono.
"May papapuntahin akong kakilala ko na nagtatrabaho din sa isang hospital. Ipapalipat ko ang kuya mo malayo sa Purple city. Kapag nangyari yun, huwag kang magdalawang isip na sumama.. huwag kang magpapahalata. May plano ako at gusto ko lang makasiguro na walang mangyayaring masama sainyo."
Bumakas ang kaba sa mga mata ng lalaki, lumapit ito kay Jungkook at saka ibinaba ang suot na mask ng saganun ay malinaw siyang maintindihan nito.
"Hindi ko alam kung lulusot tayo, pero sana, galingan mo ang pag-arte.. huwag kang papahalata."
Tumango si Jungkook, "a-anong pangalan mo?" Tanong niya ng saganun ay mabawasan ang pagkailang niya dito.
Tumingin ito sakanya mula lamang sa sulok ng mga mata nito dahil abala na ito sa pag-aayos ng hospital bed, kung saan naghahanda na upang mailabas ang kuya niya.
"Kaibigan ako ni Jimin mula pa high school, Xiu Minghao, isa akong nurse sa isang hospital sa labas ng syudad— AY PALAKA!"
Ramdam na ramdam ni Jungkook ang tibok ng puso niya, rinig niya ang bawat pitik ng pulso niya sa leeg, nanuyot ang laway niya dahil sa kaba ng may pumasok na lalaking nakaitim sa kwarto.
Nag-alala siya na baka magduda ito gayung medyo hindi magaling umarte ang kaibigan ni Jimin. Halata ang takot mula sa binata.
"Anong ginagawa mo? Saan mo dadalhin ang pasyente?"
Ilang santo na ang natawag niya at ilang ulit na siguro nagdasal si Jungkook sa isip niya. Hindi siya kinakabahan na baka mahuli sila sa binabalak nilang pagtakas, mas kinakabahan siya ngayon kay Minghao na kita ang panginginig ng buong katawan dahil sa takot.
"N-nurse Hao?" Pagkuha niya sa atensyon nito, sinusubukan niyang tulungan ang binata sa kung ano man ang naiisip nitong paraan o makikisakay nalang siya sa napagplanuhan na nito kasama si Jimin.
Tila bumalik naman sa sarili niya si Hao, sinubukang tulungan ang sarili na kumalma. Malalim siyang huminga bago kalmadong nagsalita.
"Ngayon ang sunod na laboratory test sa pasyente. Kahit tapos na ang operasyon, may mga kinakailangan pa ring siguruhin na hundred percent na maayos ang l-lagay n-niya."
Napamura si Hao sa isipan niya ng ilang ulit, sinubukan niyang huwag mautal, ngunit ng makita niya ang tila mapanuring tingin ng lalaki sakanya ay bigla nalang siyang nanginig sa kaba.
"Bakit ka ba nagtatanong? Kapamilya ka ba ng pasyente?" Sinubukan niyang maging kalmado, ngunit tila mali ang nabitawan niyang tanong.
"Nurse Hao, dalhin nalang natin si kuya sa lab."
"Susunod kami."
Mabilis na napailing si Minghao sa narinig niya mula sa lalaki. Halata ang labis niyang hindi pagsang-ayon sa sinabi nito, dahilan para kunutan siya nito ng noo.
"I mean, hindi pwede ang maraming tao na nakapaligid sa pasyente. Masyado pang mahina ang resestensya niya, he's still in the state of progression, hindi siya pwedeng ma-exposed sa bacteria.. as possible, nililimitahan talaga namin ang mga taong lalapit sa mga pasyenteng katulad niya."
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...