tatlumpu't dalawa

280 26 0
                                    




" ayaw mo munang pumasok sa loob? maginaw dito. "

inabutan ako ni jungkook ng beer in can. tinanggap ko ito ngunit hindi ko ginalaw. alam mo naman na hindi ako umiinom, pwera nalang kung may problema ako. yun bang hindi ko kakayanin. pero wala din namang epekto ang alak, eh. kasi kahit magpakalasing ako, hindi din ako madaling makalimot. hindi din naman makakalimutan ang sakit na malalim na nakaukit sa puso ko, yoongi.

hanggang ngayon,
sobrang sakit pa rin ng nangyari saatin noon.

pakiramdam ko tuloy ngayon, isa lang akong panakip butas.

alam mo kung bakit?

kasi alam ko rin kung gaano mo kamahal si taemin. hindi mo basta-basta makakalimutan ang nararamdaman mo sakanya hindi katulad sakin, madali mo lang naisantabi ang nararamdaman mo sakin noon, hindi ba?

" eh ikaw, bakit ka rin nandito? ayaw mo bang magpahinga muna? "

umiling siya at saka uminom ng konti sa hawak niyang beer.

" iniisip ko si kuya. "

" okay lang siya, mukhang malakas na rin siya nung nakita ko. "

umiling siya. yumuko at sinimulang paglaruan ang buhangin. pinagmasdan ko lang si jungkook, bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala.

" ganun naman si, kuya eh. malakas tingnan pero salungat sa totoo niyang nararamdaman. matigas ang ulo, mas nag-aalala pa 'yun samin kesa sa sarili niyang kalagayan. "

napabuntong hininga ako. hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko para mapagaan ang nararamdaman niya. siguro makikinig na lang ako at bibigyan ko siya ng empathy na kailangan niya.

" hindi alam ni taehyung hyung na papa niya ang nagbabayad ng hospital bills ni kuya. empleyado kasi sina mama at papa sa kim corporation. at sigurado ako na ititigil nito ang pagbabayad sa hospital, at ang malala, baka tanggalin pa sina mama sa trabaho. "

napaiwang ang bibig ko dahil sa narinig ko mula kay jungkook. masyadong mabigat ang pinagdadaanan niya. kailangn nila ng pera para sa kuya niya. ngunit sa kabila nun, pinili niya pa ring sumama kay taehyung. dahil mahal niya ito.

para sa pagmamahal, handa siyang sumugal.

ganun nga ba ang tamang pagmamahal? kailangan may isusugal para maging masaya? kailangan may masaktan at mahirapan?

" pano kung ganun nga ang mangyari? paano gagamutin ang kuya mo kung wala kayong pambayad? "

ngumiti siya sakin.

" maiintindihan nila ako. mahal nila ako kaya hindi nila ako papipiliin. i choose to be with taehyung, and with him.. i'm incapable of feeling regrets, " uninom muna siya ng alak bago nagpatuloy sa pagsasalita. " ganyang ang pagmamahal, hyung. dapat alam mo kung ano yung mga kaakibat nito. dapat wala kang pagsisisihan. your choice, your happiness. you shouldn't choose the worst. at alam ko na pinili mo lang rin kung ano ang makakapagpasaya sayo. "

masaya nga ba ako?

masaya nga ba si yoongi sa pag-pili sakin?

" eh, pano kung pinili ka dahil sa konsensya? sa dami ng atraso kaya napilitan na piliin ka para hindi na madagdagan ang sakit na nararamdaman mo? "

" hmm, ganun nga ba ang dahilan ni, yoongi hyung kaya ka niya pinili? "

indirect ko na nga itinanong sakanya pero nakuha niya pa rin ang nais kong ipahiwatig sakanya. nahihiya akong tumungo ng ulo at saka tumango. narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

" i don't really think that it was his reason. he choose you because he only followed what his heart told him to do so. "

malungkot akong napatitig sa kawalan. pinagmasdan ko ang tubig dagat na tila kumikinang dahil sa sinag na nagmumula sa buwan at munting mga butuin sa kalangitan.

" he never told me once that he loves me. "

" action speaks louder than words. siguro sapat na yung inilalayo ka niya sa kapahamakan. sapat na yung pinili ka niya na makasama. hindi ko alam ang kwento niyong dalawa, siguro nga may dahilan para magduda ka sa nararamdaman niya sayo, pero ako mismo.. nakikita ko na mahal na mahal ka niya, hyung. "

tinapik niya ako sa balikat,

" magtiwala ka sakanya. "

tumayo na siya dala ang lata ng beer na wala ng laman. muling naging tahimik ang paligid para sakin. nakatulala lang ako sa karagatan. dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin.

napaisip ako sa mga sinabi ni jungkook sakin. he somehow had a point.

ngunit hindi pa rin talaga maaalis para sakin ang pagdudahan ang nararamdaman mo para sakin, yoongi hyung. hanggat suot mo ang bagay na yan. hindi ako mawawalan ng duda na baka si taemin pa rin hanggang ngayon ang mahal mo.


Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon