" hindi si nemo yan! si dory yan, tanga! "natawa ako dahil sa pagsita ni hoseok hyung kay taehyung na pilit pinagpipilitan na si nemo ang isdang nahuli niya sa kabila ng hindi naman talaga ito ang nahuli nilang isda.
natawa nalang ako ng padabog na binitawan ni taehyung ang pamingwit na siyang natamaan si seokjin hyung na tahimik nagsa-sunbathing. tumigil naman si namjoon hyung sa paglalagay ng sunblock kay jin hyung dahil sa biglaang pag-upo nito.
" peste ka talaga, taehyung! mag-ingat ka nga, masyado kang clumsy! "
" wow, spell.. "
pang-iinis naman ni jungkook kay jin hyung na siguradong kinakampihan lang ang lovey dovey niya.
" t-a-e-h-y-u-n-g.. clumsy! "
proud na pagkakabigkas ni jin na siyang pinalakpakan ni namjoon hyung bilang moral support dahil sa pinanglakihan siya nito ng mata. tssk, tssk. under pala si joon hyung. hahaha
" sasabihin ko. sige, salamat sayo hanbin. "
napatingin ako sa dako mo nang mahimigan ko ang lungkot sa boses mo. bakas din ang konting pag-aalala sa mukha mo.
lumapit ako sayo, naramdaman mo ang pag-upo ko sa tabi mo kaya tinignan mo ako. napabuntong hininga ka.
" nakausap ko ang isa sa mga kaibigan ko na nagtatrabaho sa hospital kung saan naka-admit ang kuya ni jungkook, "
sa tono palang ng pananalita mo, sigurado ako na hindi na maganda ang ibabalita mo. napalunok ka at saka napatingin ng may kalungkutan sa masayang si jungkook.
" on-hold ang nasabing operasyon. inatras ang naging bayad. and it was all because of mr. kim.. "
napakuyom ka ng kamao mo at saka nanlulumong ibinaon ang mukha sa mga kamay mo. agad kitang inakap upang pagaanin ang loob mo. marahan ko ring hinimas ang likod mo baka sakaling mabawasan ang dinaramdam mo.
" god is good, hyung. alam ko na hindi niya pababayaan ang kuya ni jungkook. "
i heard your little sobs. mas nakokonsensya ako dahil sa nararamdaman mo ngayon. mas nasasaktan ako dahil sa pag-iyak mo.
hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ni jungkook oras na malaman niyang hinidi matutuloy ang operasyon ng kuya niya. lalo na ang magiging reaksyon ni taehyung kapag nalaman niya rin na dahil ito sa papa niya kaya walang operasyon na magaganap. buhay ang nakataya para sa kasiyahan ng dalawang toang walang ibang hangad kundi ang maging malaya at magmahalan.
" if god is good, why would he let all of this to happened? why would he let someone to die? why would he let someone to be in pain?! god is good but not all the time, jimin. he's unfair. "
" hyung... "
napatigil ako dahil sa mga sinabi mo. hindi ko inaasahan na sasabihin mo ang mga 'yon. ni minsan, you never questioned him. you never blamed god for everything. and why do it sounds like it was all your hidden resentments and not about jungkook's brother's unfortunate life.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanficHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...