siyam

415 32 9
                                    



kasama mo pala ang dalawa mong kaibigan na sina namjoon at hoseok. alam kong minsan nalang kayo magkita-kita dahil pare-parehong hectic ang schedules niyo.

inilapag ko ang inihanda kong juice at rice cake para sa bisita mo at hindi nakaligtas sakin ang mga tingin nila na tila nagtatanong ng 'bakit'

hindi ko man sigurado kung yun nga ang gusto nilang ipahiwatig, binigyan ko na lamang sila ng isang tipid na ngiti dahil sa pagsenyas mo sakin na umalis na ako.

nagtungo ako sa kusina upang hugasan ang mga plato na nagamit natin kanina, napangiti naman ako na parang wala ako sa sarili ng maalala ko ang inihanda mo sa agahan.

it was my favorite meals. and it makes my heart flutter just by thinking that you made it for me.

" are you sure you're going to accept your father's offer for you? "

nasa kusina ako at rinig ko pa rin mula dito ang pinag-uusapan niyo.

dahil sa kyuryosidad, itinigil ko ang ginagawa ko at naglakad patungo sa doorway ng kusina, sumandal ako dun habang pinupunasan ang kamay ko.

nakatalikod ka sakin kaya hindi ko makita ang reaksyon mo, ngunit base sa mukha ng dalawa mong kaibigan ay tila seryoso ang pinag-uusapan niyo.

" wala akong choice, kapag hindi ko sinunod ang gusto niya... sigurado ako na itatakwil niya ako bilang anak niya. and besides, our company is in a big debt right now. there's no other choices. "

mas lalo akong naging interesado sa pinag-uusapan niyo, kaya naman ay pinagpatuloy ko lang ang pakikinig sainyo.

bumuntong hininga si namjoon na kanina pang tahimik, tila hindi maayos ang lagay. waring may mabigat na pinagdadaanan.

" paano si jimin? "

napatigil ako at nagtaka nang marinig ko ang sarili kong pangalan.

kung kanina ay nagtataka lang ako sa nagiging serysong usapan niyo, bakit ngayon ay nag-iba ang pakiramdam ko? bigla akong kinabahan.

sumandal ka sa inuupuan mo, napahilamos ka ng mukha marahil dala ng frustration.

ngayon lang kita nakitang ganito, yoongi. tila hindi mapanatag.

" ganyan na ba talaga katigas ang puso mo, para sakanya? "

i can saw pain from hoseok's eyes, and i don't know why. he is the source of happiness and always in his positive thoughts. but today, i can tell how hurt he was.

" yoongi, ano ba?! hindi mo pwedeng gawin 'to! "

pakiramdam ko ay malapit na akong maiyak kahit hindi ko alam ang pinag-uusapan niyo.

knowing that i am involved, made me think that i'll be hurt after.

napatago ako sa pader ng ibinaling mo ang tingin sa may pintuan ng kusina, lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil baka nakita mo ako at magalit ka sakin dahil sa pakikinig ng usap niyo.

ngunit ganun nalang ang panghihina ko nang marinig ko ang sunod mong sinabi.

tila pinagsukluban ako ng langit at lupa.

" hindi naman siya mahalaga. mas mahalagang maisalba ko ang kumpanya namin. and if the only way to do that is to marry that fvckng mr. kim's son.. then i'll do it! "

napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang paglabas ng mga hikbi ko.

i just thought i'm starting to have my own fairy tale but it was all crumpled in just an hour, because of yoongi's statement.

nagitla ako ng makarinig ako ng malakas na hampas. siguro isa sakila ang humapas ng kamay sa center table.

" you're too selfish, hyung! jimin, doesn't deserve you! "

seconds later, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang marahas na pag-sara nito.

lumabas ako sa pinagtataguan ko upang tingnan kung ano ang nangyari sa may living room, and to my surprise... nakatayo ka malapit sa may pinto ng kusina. nagkasalubong ang tingin natin at 'di kalaunan ay tumalim ito, ramdam ko ang galit mo na hindi ko alam kung ano ang dahilan.

ganun ka naman parati 'di ba? galit ka sakin kahit wala namang dahilan.

nakita ko ang pagbuka ng bibig mo at ang muling pagsara nito, waring may gusto kang sabihin ngunit nawalan ka ng lakas na sabihin ito.

" bakit hyung? masaya ka ba talaga na sinasaktan mo ako? "

your teeth clenched and your eyes darkened. not until i saw how you softened your expression.

napagtanto mo na ba kung ano ang ginagawa mo sakin?

you're killing me softly.

" nasasaktan ka? "

kailangan pa bang itanong yan? hindi pa ba halata ang nararamdaman ko? ganun ka ba talaga kamanhid? o ako itong labis na nagpapakatanga sayo?

hindi ako sumagot, alam kong sapat na ang makita mo ang unti-unting pagtulo ng luha ko para masabi mo na nasasaktan ako.

" then what are you still doing here? talaga bang mananatili ka kasama ko kahit sobra ka nang nasasaktan? "

i will yoongi, if staying by your side means you'll love me someday. then i'll choose to be with you no matter what.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon