apatnapu't anim

256 16 2
                                    




walang sino man ang kumikibo saamin sa loob ng kwarto ni hoseok hyung kung saan siya nagpapagaling. halata saaming lahat ang pag-aalala. malayo ang mga iniisip.
mas lalo lang tuloy akong hindi mapakali lalo na't nakikita ko na hindi lang naman tayo yoongi ang naapektuhan kundi lahat na rin ng taong nakapaligid saatin. it's a lame excuse kung sasabihin ko na kaya ko na walang gawin despite how i know that any moment ikakasal ka na kay taehyung. in any moment, gagawin mo ang isang bagay na hindi mo gustong gawin. . i could help you to run away from that approaching disaster, but i know that was not what you wanted me to do.

before we parted ways last three days, sinabi mo sakin na ayaw mo akong gumawa ng kahit na anong ikakapahamak ko, ayaw mo akong magpakatanga dahil lang sayo. bilin mo sakin na kahit anong mangyari ay manatili lang ako kung nasaan ako dahil sinisiguro mo na magiging okay lang din ang lahat sa pagitan niyo.

naniniwala ako sayo yoongi, may tiwala ako na gagawin mo ang lahat para maging okay ka at si taehyung. kung hindi mo man ito gagawin para sakin, na manatiling ligtas. . alam kong gagawin mo 'to dahil nangako ka kay taemin na hindi mo ako sasaktan.

" ano, magdamagan lang ba tayo dito na magpapakiramdaman? "

umangat ang tingin ko sa nagsalita, nakikita ko ang pag-aalala na nakaguhit sa mukha ni namjoon hyung. katulad ko ay hindi din sila mapanatag. . at naiintindihan ko kung bakit.

" tawagan kaya natin si yoongi, tanungin natin kung— "

" ang sabi ni hyung sakin, magiging okay sila. . sana. . "

lahat ng atensyon nila ay napunta sakin. naiilang ako sa kung paano nila akong lahat tinapunan ng mapanghusgang tingin. alam ko na ramdam nila ang pag-aalala't pag-aalinlangan ko, dahil ako mismo ay hindi naniniwala na magiging okay kayo yoongi, naniniwala ako sayo, oo. . pero hindi sa bagay na sinisiguro mong ligtas kayo. hanggat alam ko kung sino ang mga kasama mo ay hinding-hindi ako magiging panatag.

" paano ba tayo naabot sa ganitong sitwasyon? " ramdam ko ang ginawang pagtitig ni hoseok hyung sakin, kahit hindi sabihin. . kuha ko na ako ang tinatanong niya, " paanong pati kami ay nadamay? "

" hoseok! "

rinig ko ang pagsaway ni seokjin hyung sa nagsisimulang namumuong tensyon na inumpisahan ni hoseok.

nauunawaan ko,

alam ko na natakot din sila dahil sa naging banta sa mga buhay nila gawa lamang sa kagustuhan nilang protektahan tayo. si namjoon hyun na muntikan ng masunog ng buhay, si seokjin hyung na inalisan ng kabuhayan, at si hoseok na muntikan ng mamatay.

lahat ng sakrepisyo ay nauwi lang sa wala, ginawa nila ang lahat para saatin ngunit mas nanaig ang kagustuhan ng tadhana na paglaruan tayo.

" sorry. . "

lahat ng atensyon nila ay nabaling sakin dahil sa isang salita na sinabi ko. wala akong ibang alam gawin bukod sa sigurado ako na dapat akong humingi ng tawad dahil sa dami ng atraso na ibinigay natin sakanila.

naramdaman ko ang paghaplos sa likuran ko. pilit na pinapagaan ang pakiramdam ko. dahil sa ginawa ni seokjin hyung na paghaplos sa likod ko ay saka naman nagbadya ang pagbuhos ng mga luha ko, biglang bumigat ang nararamdaman ko na waring matagal ko na itong naipon sa loob ng mahabang panahon. . na kapag hindi ko inilabas ay malulunod ako at mas lalo lang akong hihilahin nito pailalim hanggang wala na akong magagawang paraan upang makaahon pa.

nagsimula akong humikbi. .

ang mahinang paghikbi ay naging isang malakas na hagulhol na siyang dahilan para ang paghaplos ni seokjin hyung sa likuran ko ay palitan niya ng pagyakap sakin.

" kasalanan ko ang lahat. . " ibinuhos ko lahat ng luha ko, wala akong balak na itira. " kung sana, hindi ko ginawa ang bagay na siyang makakasira sa buhay ni yoongi hyung. . siguro wala tayo sa ganitong sitwasyon ngayon. "

" shh, huwag kang magsalita ng ganyan, jimin. . wala kang kasalanan. "

siguro kung alam lang nila ang bagay na tinutukoy ko. . baka sila pa mismo ngayon ang magtulakan sakin palayo sakanila.
dahil ultimo ako sa sarili ko ay hindi tanggap ang kamalian na nagawa ko noon.

" i should've just let them to be happy back then. "

nagsisisi ako,

sobrang nagsisisi ako dahil naging makasarili ako, dahil nasaktan ko ang taong pinakamamahal ko.

" kung kasalanan mo ang lahat, bakit kailangan pati kami ay magbayad sa mga kasalanang ikaw naman pala ang may gawa?! "

mas lalo akong naiyak dahil sa narinig ko mula kay hoseok.

" hoseok ano ba? hindi ka nakakatulong eh, pinalala mo lang ang buong sitwasyon! "

" kung nagsisisi ka nga. dapat, hindi ka lang nakaupo dito na parang naghihintay ng isang milagro na mangyari! you couldn't save him doing nothing aside from blaming yourself! move your ass and save yoongi! "

para akong sinampal ng buong katotohanan. may punto si hoseok hyung. walang mangyayari kung maghihintay lang ako at walang gagawin. hindi porket sinabi mo yoongi na huwag akong makialam ay wala na akong gagawing paraan.

sinalubong ko ang tingin ni namjoon hyung sakin na waring pinapahiwatigan ako na huwag nalang gumawa ng kahit ano. nakikita ko ang kagustuhan niyang pigilan ako. mabilis ko nalang inilihis ang tingin ko sakanya, tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang jacket na nakasabit sa may kama ni hoseok hyung.

" teka, saan ka pupunta? " tanong ni jin hyung sakin.

" susubukang itama ang lahat. . " saad ko habang binigyan siya ng isang tipid na ngiti. " alam ko na hindi lang basta kasal at pagkuha ng mana ang gusto ng tatay ni taehyung. . gusto rin nitong maghiganti. "

hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na lumabas ng kwarto ni hoseok hyung.

sana lang talaga,

hindi ko pagsisihan ang gagawin ko. .







Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon