Pinagbagsakan ng langit at lupa.Iyan ang tamang salita na makakapaglarawan sa itsura ni Seokjin. Nakatukod ang dalawang siko sa mesa habang nakatakip naman ang kanyang dalawang kamay sakanyang mukha, pilit na pinipigilan na pangunahan siya ng emosyon.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga saka inilibot muli ang kanyang tingin sa loob ng kanyang pinakamamahal na coffee shop, nagbabakasakali na nanaginip lamang siya.
Ngunit labis na panglulumo ang kanyang naramdaman ng tuluyang rumehistro sakanya ang nangyayari. He's neither dreaming nor hallucinating."S-sir? T-teka, ano po ba ang nangyari dito?"
Nag-angat ng tingin si Jin sakanyang tauhan sa coffee shop na kararating lang, hindi maalis ang gulat at pag-aalala sa naabutang ayos ng kanilang coffee shop.
"Nalooban po ba tayo?"
Isang tipid na pag-iling lamang ang isinagot niya dito.
"Cheonsa," bakas ang lumbay sa boses ni Seokjin marahil dahil na rin sa hindi inaasahang ganap na dinatnan niya. "Tawagan mo nalang muna sina Lala at Elaine na huwag ng pumasok."
Hindi sumagot ang kanyang staff, malungkot lamang itong nakatitig sakanya. Tila hindi pinuproseso ng utak ang anumang nakikita.
"Cheonsa,"
"Tumawag na po kaya tayo sa mga pulis? Sigurado ako na sila din ang may gawa nito. Yung dalawang matanda na nagpunta dito nung isang araw," biglang nagbago ang ekspresyon ni Jin. Tila ba biglang kinabahan, "bakit ayaw niyo pong magsumbong sa mga pulis? Hindi ba pinagbantaan rin nila kayo?"
Umiwas ng tingin si Jin kay Cheonsa, ayaw niyang mahalata nito ang kaba na bumabakas sa mga mata niya. Ayaw niyang mag-alala ang mga katrabaho niya sakanya. At higit sa lahat, ayaw niyang malaman ni Yoongi o ni Taehyung ang nangyayari— sigurado siya na kapag nalaman ng kahit sino sa dalawa ang pagbabanta na ginawa ng mga ama nito sakanya baka bigla nalang magbago ang ihip ng hangin..
"Tulungan mo nalang ako maglinis dito."
"OHMYGOODNESS! Kuya pogi okay lang po ba kayo? Ano pong nangyari sa coffee shop?"
"Nilooban po ba tayo kuya sir?"
Sabay na napatingin si Jin at Cheonsa sa dalawang high school students na part timer nila sa coffee shop na kakapasok lang. Matamlay na ngumit si Jin, lumapit ang isa sa dalawang bata na nakasuot pa ng cat ear headband. Hinawakan si Jin sa braso at marahang inusisa ang nakakatanda.
"Kuya pogi, sinaktan po ba kayo ng masasamang loob?"
"Elaine, okay lang ako. Hindi tayo ninakawan. Dumating ako dito na ganito na ang itsura ng coffee shop, at wala ring nawawala kahit ni isa sa mga gamit o pera natin."
Ngayon naman ay yung isa ang lumapit, humawak din sa kabilang braso ni Jin. Tumingala at pinanlakihan ng mata ang nakakatanda. Kung meron lang choice si Jin, hindi niya naman talaga kailangan ng mga part timers sa coffee shop niya. Ang kaso ang dalawang magkaibigan na ito ay nagpumilit sakanya na tanggapin sila dahil kailangan ng pera para makaipon. At nagkataon pa na kilala ito ng kanyang manager na si Cheonsa, wala siyang nagawa kundi ang tanggapin nalang ang dalawa. Hindi naman siya nagsisisi dahil masisipag naman ang nga ito. Makukulit nga lang.
"Kuya sir, tawagan natin si Kuya dimples." Suhestiyon ni Lala na kaagad namang inilingan ni Jin. "B-bakit po hindi? Kuya sir, baka mamaya hindi nalang ang coffee shop ang punterya nila. Baka ikaw mapahak rin."
May point si Lala ngunit kilala niya si Mr. Kim, hindi nito magagawang saktan ang anak ng isa sa mga malalaking investors ng kompanya nila. Alam niya na tinatakot lamang siya ng mga ito, ngunit nagkakamali sila na isiping matatakot siya sa simpleng pagsira lang ng coffee shop niya. Hindi niya magagawang ilaglag ang mga kaibigan, as long as, susubukan niyang protektahan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...