limampu't dalawa

391 21 24
                                    




Ilang minuto ring tinitigan ni Yoongi si Jimin matapos ito tumigil sa pagkukwento. Katulad ng dati ay wala pa rin siyang kahit na anong reaksyon na ipinapakita, ngunit hindi maitatanggi ang iilang alaalang unti-unting bumabalik sa isipan niya matapos marinig ang ilan sa naging kwento ni Jimin sakanya.

Napansin ni Jimin ang mariin na pagtitig ni Yoongi sakanya, sinubukan niya itong hawakan sa kamay ngunit ganun nalang ang gulat niya nang mabilis nitong iiwas ang kamay sakanya.

Lihim na napalunok si Jimin dahil sa lamig ng titig sakanya ni Yoongi, ramdam niya ang tensyon na namumuo. Hindi niya alam kung bakit siya nito tinititigan sa ganitong paraan, ayaw niyang isipin na baka may naaalala na ito. Dahil una sa lahat, eto naman talaga ang gusto niya. . . Ang bumalik ang alaala ni Yoongi, nagawa niyang ikwento ang lahat mula sa umpisa hanggang sa kasalukuyan kahit pa na ang kapalit nito ay muli siyang kamuhian ng taong pinakamamahal niya.

Dahil sa pag-kailang sa paraan ng pagtitig sakanya ni Yoongi, iniiwas niya ang kanyang mata dito, tumingin sa mga bulaklak na dinala nina Hoseok kanina.

"I-ikaw. ."

Halos mapatalon siya sa gulat ng sa unang pag-kakataon ay muli niyang narinig ang boses ni Yoongi.

Akmang tatayo sana siya upang tawagin ang doktor dahil isa itong magandang balita na muli na itong nagsasalita matapos ang ilang buwan na pagkakaparalisa nito. At mukha ngang may naaalala na rin ito. Ngunit bago pa man siya makapaglakad pinigilan siya nito, hinawakan sakanyang palapulsuhan gamit ang nanghihina pang kamay.

"Taemin."

Mabilis na tumulo ang kanyang mga luha matapos marinig ang pangalan ng kanyang kapatid. Nakita ito ni Yoongi kaya naman mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sakanya na tila ba ay humihingi ng sagot sa lahat ng katanungan na naglalaro sakanyang isipan.

"Y-yoongi, tatawag lang ako ng dok—"

"Taemin, i-ikaw—"

"Hyung.."

Ramdam ni Jimin ang pagbaon ng kuko ni Yoongi sakanyang balat, ngunit wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya nang makita niya ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa mata ni Yoongi.







Ilang oras na siyang walang ibang ginagawa kundi ang titigan ang hawak niyang bote ng alak na halos nangangalahati na rin ang laman.

Malayo siya sa venue kung saan ginanap ang surpresang plinano ni Yoongi para sa proposal nito sakanyang kapatid.

Mag-isa lang siya at wala siyang balak na makisalamuha sa iba. Wala siyang balak mag-saya lalo na't labis ang sakit na nararamdaman niya.

Malalim siyang bumuntong hininga bago tumungga sa boteng hawak niya. "Tangina, bakit hindi nito maibsan ang sakit ng lintek na pusong ito?!" Itinapon niya ang bote ng alak sa gilid, natapon rin pati ang laman nito. Sumipa siya ng malakas dahilan para sumama ang ilang buhangin sa sipa niya at lumipad ang tsinelas na suot niya kung saan.

"Tangina!"

Sa labis na sakit at katalungkutan, naluha na lamang siya. Wala naman ng dahilan para itago niya ang nararamdaman niya. Nasasaktan siya kaya walang masama kung iiyak siya.

"Jimin?"

Hindi niya na binalak pa na iangat ang kanyang ulo, ayaw niyang makita ang mukha ng kahit na sinong tao na dahilan ng sakit na nararamdaman niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya kumibo. Ayaw niyang magsimula ng gulo lalo na't pakiramdam niya ay gusto niyang manuntok kahit na sinong haharang sa kanya.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon