" ako nalang papasok sa loob para kunin yung mga gamit mo, hintayin mo ako dito at ihahatid kita sa coffee shop ni jin hyung. nandun na sina hoseok. "tumango lang ako sa kabila ng gusto ko pa ring magprotesta. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ayaw kong sumunod sa kung ano man ang gusto mo ang kaso ayaw ko rin naman sumama pa ang loob mo sakin.
naalala ko rin. dahil sa sarili kong kagustuhan ay minsan na ring may napahamak.
ilang segundo akong natahimik sa loob ng kotse habang nakatingin lang sa mga daliri ko, iniisip ko yung nangyari kanina. kung bakit ka nagso-sorry at bakit mo rin ako hinalikan?
ibig sabihin lang ba nito, mahal mo na rin ako o nag-a-assume lang ako na gusto mo na rin ako. masakit pa naman umasa..
napaangat nalang ako ng ulo at napatingin sa loob ng bahay kung saan iniwan mong bukas ang pintuan, naalala ko na may mga iniwan akong dokumento na hinihingi sakin ni jin hyung. kaso nagdadalawang isip ako kung kukunin ko pa ba ito gayung sabi mo sakin ay ilalayo na ako nina namjoon at hoseok sa lugar na ito. ibig din sabihin na hindi na ako makakapagtrabaho sa coffe shop.
at dahil matigas ang ulo ko, bumaba ako ng kotse mo upang gawin ang kailangan kong gawin. hindi ka naman siguro magagalit sakin.
hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay, meron na akong naririnig na boses na tila ba ay nag-aaway. doon na napakunot ang noo ko, imposible naman na may kasama kang ibang tao sa loob.
" stupido! "
napatakbo ako ng wala sa oras ng makita ko ang ginawang pagsuntok ng papa mo sayo. kaagad kitang niyakap dahil halos mawalan ka ng balanse sa lakas ng suntok.
" tito— "
aangal palang sana ako ng ako naman ang pagbuntungan ng galit ng papa mo, mabilis itong naglakad at saka ako pinasalubungan ng sampal.
napatingin ako sa ibaba sa lakas ng impact nito, sunod ay nalasahan ko ang dugo sa gilid ng bibig ko. wala akong nagawa, hindi ako nakagalaw. gusto kong gumanti ngunit ginagalang ko ang taong nasa harapan ko. hindi dahil tatay mo siya kundi dahil nakakatanda siya.
" isa ka ring malaking stupido! hindi ka nag-iisip! sa tingin mo, makakatulong ka o ang pamilya mo sa problema namin? "
" papa! tama na! "
napangisi ako dahil sa narinig ko mula sa papa mo.
" hindi ko alam kung bakit pa ba kami pumayag na pumalit ka sa kapatid mo! kahit pamilya mo nababaon na rin naman sa utang! wala ka rin silbi! "
huminga ako ng malalim. kinakalma ang sarili ko. ayokong maging bastos. pero sobra na, hindi naman siguro mali ang ipagtanggol ang sarili kapag nasa katwiran ka hindi ba?
handa na sana ako na magsalita para depensahan ko ang sarili, ang kaso. bigla ka ng nagsalita, yoongi kaya hinayaan nalang kita. baka nga mas mabuti kung hindi nalang ako magsalita.
" hindi ako magpapakasal kay, taehyung! "
sabay kaming napatingin ng papa mo sayo, ako na may halong pagtataka, habang siya na walang ipinapakitang iba ang mga mata kundi galit.
walang umimik samin, kahit pa ang papa mo na halata namang maraming gustong sabihin.
naramdaman ko ang malamig mong kamay na unti-unting humahawak sa nanginginig kong kamay, mahigpit mo itong hinawakan. tila ba sinisiguro mo sakin na magiging ayos lang ang lahat. kagaya ng sinabi mo, kailangan ko lang magtiwala.
" hindi dahil sa ayaw ko o dahil ayaw ni taehyung. kundi dahil may karapatan akong tumutol. "
bumaba ang tingin ng papa mo sa kamay natin na magkahawak. sabay na puminta ang ngisi sakanyang mga labi.
" hindi mo sinabi sakin. napalitan niya na pala ang kambal niya jan sa puso mo.. anong nangyari? mahal mo na si jimin? "
oo nga, yoongi.
yan ang tanong na kanina pang naglalaro sa isipan ko. mahal mo na nga ba ako o may dahilan kung bakit mo ginagawa 'to?
segundo.
nagdaan ang halos sampung segundo na wala kang naisagot. masakit yun sa parte ko dahil hanggang ngayon pala, wala ka pa ring nararamdaman sakin. sapat na ang katahimikan mo para masagot ang katanungan na iyon.
" nangako ako.. hindi pwedeng hindi ko gawin ang pangako ko sakanya. "
bumakas ang lungkot sa boses mo. walang emosyon na ipanapakita ang mukha mo ngunit ramdam ko, nalulungkot ka, yoongi.
hindi ko alam kung sino ang pinangakuan mo, o ano yung pangako mo na kailangan mong tuparin.
kung ano man yun, sana.. isa ako sa mga pangako na tutuparin mo.
" sa ayaw at sa gusto mo, matutuloy pa rin ang kasal. "
" ayoko.. "
tinitigan kita, naghahanap ako ng kahit anong bakas ng pag-aalinlangan sa naging kasagutan mo.
napapikit sa galit ang ama mo. niluwagan niya rin ang kurbata na nakasuot sakanya habang dahan-dahang naglalakad papunta sayo. humigpit pa lalo ang pagkakahawak mo sa kamay ko, tila dito ka kumukuha ng lakas ng loob.
" magpapakasal ka? o kakalimutan mong may mga magulang ka na bumuhay sayo sa loob ng dalawangput-anim na taon? "
napalunok ako ng laway dahil sa narinig ko, hindi man ako sigurado kung ano ang pipiliin mo.. ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. lalo na ng nakipagsukatan ka pa ng tingin sa ama mo. taas noo mo siyang tinitigan, tila buo na ang desisyon mo.
hindi na ako aasa pa, yoongi.
hindi dapat ito ang magiging reaksyon ko. hindi dapat ako naiiyak ngayon. pero bakit? bakit masyadong mahina ang puso ko sa mga bagay na ginagawa mo para sakin?
" isasama ko si jimin, at sisiguruhin kong hindi mo na ako makikita. kahit na anino ko. "
you choose me over you family.
is this even true, yoongi?
—
but everything seems not going with the plan. destiny hates me so much.
your decision, will be the beginning of my new — suffering.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...