labing dalawa

426 31 4
                                    



" this wasn't my order! you seems like not listening! "

wala sa sarili akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko. hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil wala akong pakialam. malalim ang iniisip ko, at tungkol ito sayo, yoongi.

iniisip ko kung papaano kita matutulungan na hindi matuloy ang kasal mo sa isang tao na hindi mo naman mahal.

hindi ko gagawin ang bagay na 'to para sa sarili kong kapakanan, gagawin ko 'to dahil ikaw ang iniisip ko, para ito sayo.

kung iisipin, wala namang pinagkaiba ang sitwasyon natin sa saitwasyon na kinakaharap mo ngayon. just like us, you was been forced to live with me under one roof. it was out of your will but because our parents dealt with this, wala kang nagawa kundi gawin ang bagay na ayaw mo.

how ironic it was right?

i really didn't know what their purpose was. they know how much you love my brother yet they did this. and then now, your parents are dealing for another thing with other person. this time, the reason was way too heavy for you to carry. you have to marry someone you didn't even love at mas masakit yun. involved na si god at medyo mas mahirap paghiwalayin. hindi katulad natin na walang kahit na anong kinakapitan kaya kahit anong oras pwede mo akong iwanan kung gugustuhin mo.

pero hindi mo ginagawa, kahit pwedeng-pwede naman.

" where's your fvckng manager? i want to talk to your manager! are you fvckng deaf?! "

" w-what? may kailangan pa po kayo ma'am bukod sa cafe latte that you ordered? "

napataas ako ng kilay ng marinig ko ang inis na sigaw ng babae sa harapan ko.

hindi nagtagal ay lumabas si seokjin hyung mula sa opisina niya, tinawag ata ng isa sa katrabaho ko.

ngayon ko lang napagtanto na may problema na nangyayari nang lumapit na si hyung sa customer. shookt.

" what is it ma'am? is there any problem here? "

nakunot ang noo ko at napaatras pa bahagya ng inis akong itinuro ng babae na mukha namang pwet ng manok. napahaba ang nguso ko ng makita ko ang humahaba ng pila at lahat ng atensyon ay nasa amin.

naramdaman ko ang pagsiko sakin ni hyung.

nakakahiya.

" he isn't paying attention! he gave me the wrong order, i asked for milk tea and he gave me a fvckng cafe latte! "

wala akong nagawa at hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil ako naman talaga ang may mali. napakamot na lamang ako sa batok ko habang nahihiyang binigyan ng tingin si seokjin hyung na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

nagsisimula palang ako sa tarabaho tapos ganito na ang nagawa ko.

tama ka, yoongi....

wala nga akong kwenta sa kahit na anong bagay.

" i-i'll just give you ten percent off for your milk tea madam, and then you can also get a free strawberry cupcake.. i-is that okay now? "

napakurap ako ng ilang beses.

hindi ko inaasahan ang gagawin ng pwet– este ng babaeng mukhang pwet ng manok sakin..

itinapon niya lang naman sakin ang cafe latte. namantsyahan tuloy ang suot kong damit.

" i don't need your freebies! i want good services and good treatment for your customers! this is fvckng disappointing for a most recommended coffee shop! bulok naman pala ang mga service crew! "

" a-aba! wala kang karapatan na gawin 'to sa staff ko! hoy impakta! kung gusto mong tratuhin ng maganda, subukan mo munang mag-aral ng values education! "

humarap sakin si seokjin hyung at sinenyasan niya ang ibang staff na mag take over sa trabahong naiwan ko, hinila niya ako sa staff room.

yumuko ako sakanya na siya namang pagpigil niya sakin sa paghingi ng tawad.

" naikwento sakin ni, namjoon ang lahat... "

taka akong napatingin kay hyung habang iniaabot niya sakin ang tuwalya upang pamunas sa basa kong damit.

ang lagkit ko na...

" nauunawaan ko na hindi ka makapag-focus sa trabaho. hindi madali ang pinagdadaanan mo. pero, jimin... kung hindi mo na kaya pwede mo rin siyang iwan. "

dahil sa narinig ko kay hyung, mahina akong napatawa sabay ng pag-iling ko.

" kung may balak man akong iwan siya, sana noon ko pa ginawa. nung mga panahon na hindi pa ganun kalaki ang sugat na nagagawa niya sakin.. "

nakita ko ang awa sa mga mata ni hyung, and i somehow didn't want the action. as if you're starving me to death, yoongi. wala naman dapat kaawaan sakin.

o sadyang nakakaawa lang talaga ang mga taong tanga sa pag-ibig?

biglang may pumasok sa isip ko at napatingin ako kay hyung, mukhang nakuha niya naman ang gusto kong ipahiwatig na may gusto akong itanong sakanya.

" pwede mo ba akong samahan sa kim corporation? hindi ba business partner ng mga magulang mo ang may-ari ng kim.co? "

malalim na napahinga si seokjin hyung, siguro hindi ito sang-ayon sa naiisip ko.

ngunit ganun nalang ang paglaki ng mga ngiti ko dahil sa narinig ko sakanya.

" bukas, kailangan mong mag-over time... magpalit ka na ng damit at sasamahan kita. "








I'll definitely do everything for you, yoongi.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon