lima

433 32 4
                                    



naiwan ako mag-isa sa bahay, sobrang tahimik. wala rin namang pinagkaiba tuwing kasama kita, tahimik rin naman na tila ba daig pa natin ang nasa simbahan.
ayaw mo ng ingay, ayaw mo rin ng makulit, ayaw mo na maririnig man lang ang boses ko,

sa madaling sabi,

ayaw mo sakin.

masakit isipin pero yun ang totoo, kahit pa na sobra ang pagkakahawig namin ng kapatid ko. hindi lang sa mukha maging sa pag-uugali. kaya ganun nalang ang pagtataka ko kung bakit hindi mo ako magawang mahalin sa kabila ng sobrang pagkakapareho namin.

" hindi ikaw siya! "

'yan ang mga salitang paulit-ulit kong naririnig mula sayo, tila ba isa kang sirang plaka na walang sawang ipinapaalala sakin ang salitang yan. kahit hindi mo sabihin, alam ko naman na, hindi ako ang kapatid ko,

dahil kung ako siya, malamang minahal mo na din ako.

eto nanaman ang pagbabadya ng aking mga traydor na luha, sa sobrang sakit na nararamdaman ko araw-araw ay tila ba naging karamay ko na ang pag-iyak. kahit magpanggap na malakas ay hindi ko magawa, kusa akong bumibigay.

puminta ang mapait na mga ngiti saaking mga labi ng oras na napadako ang mga tingin ko sa mga litrato na nakahilera sa loob ng kwarto natin, ang masakit pa dito ay ni isa man lang na litrato ay wala akong pagmamay-ari dito.

kahit saang banda ko idako ang paningin ko ay wala akong ibang makikita kundi ang masasayang ngiti mo ng mga panahong kasama mo pa ang pinkamamahal mong kapatid ko.

napahawak ako sa aking dibdib, naramdaman ko ang kakaibang pagkirot nito. kinuha ko ang isang frame na may litrato ninyong dalawa.

mas lalong bumuhos ang aking luha ng makita ko ang mga ngiti na kahit kailan ay hindi ko nakita sayo. mga ngiti na pinananabikan ko muling makita. mga ngiti na tila ba ay nakalimutan mo nang gawin, mga ngiti na walang halong pagsisinungaling at pighati.

pinagtataob ko ang mga litrato,
ayaw kong makita kung gaano ka kasaya noon sa piling ng kapatid ko.

wala na akong pakialam pa kung magalit ka man sa ginawa ko, matagal ka na rin namang galit sakin at mukhang madadagdagan pa.

habang patagal ng patagal ay tila ba mas lumalala ang galit mo sakin. habang tumatagal ang pag-asa ko ay nababawasan ng sampung porsyento.

sumugal ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

yun ay ang pag-ibig mo, yoongi.

isa kang ilegal na sugal kung saan simula palang,

talo na ako.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon