sinundan kita sa kwarto, hindi kaya ng konsensya ko na may nagawa ako sayong kasalanan.. gusto ko ulit humingi sayo ng tawad ng saganun ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.inaayos mo ang iyon sarili sa harap ng salamin, hindi na nga talaga siguro mawawala ang pagkunot ng noo mo. nawawala tuloy ang kagwapuhan mo tuwing nakasimangot ka at huwaring galit na galit sa mundo.
napansin ko na wala ka pang suot na kurbata, agad akong nagmadali na maglakad sa walk in closet mo para hanapin ang paborito mong kulay pulang kurbata, ngunit tila alam mo na ang binabalak kong gawin kaya kaagad mo akong tinignan ng masama at sinenyasan na huwag nang ituloy ang binabalak ko.
" can you please stop acting like you're my husband, you'll never be like him, jimin. you'll never! "
malamig na pagkakasabi mo sakin, hindi na ako kumibo, itinungo ko nalamang ang ulo ko at iniiwas ang tingin ko sa mga titig mong nakakasugat.
hindi mo na kailangan pang ipaalala sakin na kailanman ay hinding-hindi ko siya mapapalitan jan sa puso mo.
ngunit kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay maipapakita ko sayo na higit pa ang kaya kong maibigay sa kinaya niyang maibigay noon sayo.nagsimula ka ng maglakad ngunit tumigil ka sa harapan ko mismo. ramdam ko ang init ng hininga mo na tumatama sa pisnge ko.
mag-aangat sana ako ng tingin kung hindi ka lang nagsalita...
" you was been fired from your job, right? maghanap ka ng bago mong trabaho. hindi ako magpapakapagod sa trabaho para lang sa pangkain mo. "
you're being too harsh towards me, min yoongi. ganun na ba ako katanga para hanggang ngayon ay sumugal pa rin sa isang bagay na alam ko na rin naman ang kahahantungan?
wala akong maipapanalo sa pagsugal ko para sa pag-ibig mo.
pero bakit?
bakit handa pa rin akong masaktan para lang sayo?
dahil ba alam ko na 'mamahalin' mo rin ako?
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...