apatnapu't pito

347 21 21
                                    

I.

mula sa mataong hallway ng hospital ay tumatakbo ako palabas ng building na parang wala ng bukas. kinuha ko ang cellphone ko na nakasuksok sa bulsa ko at idenial ang numero ni jungkook. hindi ako sigurado kung nasaan siya, kaya naisipan ko siyang tawagan para masabi sakanya ang naiisip kong plano.

natatakot ako na baka huli na ang lahat, natatakot ako na wala na kaming magagawa para isalba ang taong mahal namin. ikaw at si taehyung.

nakahinga ako ng mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni jungkook ang tawag ko. wala akong ibang marinig na ingay bukod sa sarili kong paghingal.

" jungkook, nasa hospital ka ba ng kuya mo? "

inantay ko ang sagot niya bago pumara ng taxi,

" nandito nga ako hyung, pero maraming mga nakabantay dito na tauhan si mr. kim. . hindi ko alam bakit kailangan pa na bantayan kami. "

tahimik akong napamura sa isip dahil alam ko na hindi na siya muli pang makakalusot sa mga tauhan ni mr. kim para maipuslit ko siya.

" kailangan ko ang tulong mo. . "

pansamantalang naging tahimik sa kabilang linya. ilang sandali ay nakarinig ako ng mga yapak, maging ng pagbukas at pagsara ng pinto.

" nagpunta ako ng cr para hindi nila malaman na naipuslit ko parin ang cellphone ko. ibinigay ko nung isang araw ang cellphone ni kuya at hindi ang cellphone ko. " paliwanag ni jungkook na halata ang pagbabago ng lakas ng boses, tila bumubulong dahil takot mahuli ng kung sino man. " anong klaseng tulong ba ang maibibigay ko sayo? "

napabuntong hininga ako. hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. pakiramdam ko ay merong hindi magandang mangyayari dahil sa pinaplano ko.

" hindi ka nila paalisin jan 'di ba? " paniniguro ko, nakarinig ako ng mahinang 'oo' mula sakanya. " balak ko sanang pumunta ngayon sa kasalan nina yoongi hyung, mamaya pang alas tres ang umpisa ng kasal kaya may oras pa ako para makapagplano ng mabuti. "

narinig ko ang mahinang pagmura ni jungkook sa kabilang linya. matagal bago nasundan ito ng pagtatanong niya sakin. nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya. " hyung, sigurado ka ba sa sinasabi mo? hindi ba binilin na tayo ni yoongi hyung na huwag na lang gumawa ng kahit anong ikakapahamak pa natin? just stay where you at, hyung. . huwag ng matigas ulo mo. "

mahina akong napatawa dahil sa narinig ko. hindi ako makapaniwala na bumenta rin sakanya ang bilin ni yoongi na sigurado naman akong sinabi lang iyon ni yoongi para hindi na kami mag-alala at para hindi na nga kami gumawa ng kahit ano pa.

pero hindi eh, alam ko na ang lahat ng plano ni na mr. kim. kaya hindi na ako mapapanatag pa na maghintay lang na mahuli ang lahat.

alam ko na hindi ko dapat na sabihin 'to kay jungkook dahil alam ko na magpupumilit din siyang makaalis at gawin ang maiisip niyang paraan.

" kook, makinig ka. oras na mapirmahan na ni yoongi ang mga dapat na pirmahan, kapag nasa pangalan na ni taehyung ang lahat ng mana ni yoongi ay may gagawin si mr. kim na sigurado akong hindi mo ikakatuwang malaman. . "


II.

nang makahanap ng tamang tyempo ay mabilis na ini-lock ni taehyung ang kwarto na kinaroroonan nila ni yoongi.

hinila niya ang nakakatanda papunta sa pinakadulong bahagi ng kwarto, sinisiguro na walang makakarinig sakanila na kahit na sino.

may masamang kutob si taehyung na hindi lang itong kasalan at pagkuha sa mana ni yoongi ang plano ng papa niya. kaya habang may oras pa ay gagawin ni taehyung lahat para makapag-isip ng magandang plano.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon