"Jimin, umalis ka jan!"Kumunot ang kanyang noo ng senyasan siya ni Yoongi na umalis sa kinatatayuan niya, dahil sa pagtataka, umikot si Jimin upang tignan ang kung ano man ang dahilan ng pag-asta ni Yoongi na huwaring takot na takot.
Sa pagtalikod niya ay bumungad sakanya ang gumagalaw na ilaw na nakatutok mismo sa noo niya, hindi siya nakagalaw, wala siyang magawa. . .
"Jimin!"
Gusto niyang gumalaw at tumakbo ngunit huli na ang lahat.
Wala na siyang ibang nagawa pa bukod sa tumayo sa pwesto niya at titigan ang taong nakatayo sa harapan niya. Bumigat ang bawat paghinga niya, nanginginig siya sa labis na takot lalo na ng makita niya ang unti-unting pag-agos ng dugo sa bibig nito dahil sa natamong tama ng bala sa likuran nito.
Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isipan niya, gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil sa nangyayari. Ngunit wala siyang sapat na lakas kahit pa nga ang gumalaw man lang sa pwesto niya.
"H-hyung."
Tinitigan niya ang taong unti-unti nang nawawalan ng lakas, dahan-dahang bumabagsak sa sahig.
Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang alam na gawin kundi ang sisihin at murahin ang kanyang sarili.
"No! Fucking no!"
Umalingawngaw muli ang malakas na sigaw ng isang tao, kasunod nito ay ang pagtakbo niya patungo sa direksyon nina Jimin.
Ilang beses pa itong natumba dahilan sa panghihina ng tuhod gawa ng nasasaksihang eksena. Walang hangganang pag-iyak, walang hangganang pagsusumamo. Labis na sakit ang kanyang nararamdaman lalo na sa nakikita niya ngayong ayos ng taong minamahal niya.
"B-bakit?" Nabasag ang kanyang boses, habang dahan-dahang inaangat nito ang duguang katawan ng taong mahal niya.
"J-jungkook bakit?"
Nangibabaw ang hagulhol ni Taehyung sa loob ng simbahan habang yakap-yakap nito ang duguang katawan ni Jungkook na siyang sumalo sa bala na dapat ay kay Jimin tatama.
Wala sakanyang sarili, lumuhod din si Jimin upang sana hawakan si Jungkook ang kaso ay marahas na siyang itinulak ni Taehyung palayo sakanila.
"Don't touch him! Umalis ka! Lumayo ka samin! Kasalanan mo 'to!"
"T-Taehyung, s-sorry."
"N-no, no, no, no... Jungkook no! Babe please, wake up! Please."
Mailang ulit na hinalikan ni Taehyung si Jungkook sa iba't-ibang parte ng mukha nito umaasang magigising nito ang nakababata, but as seconds passing by, judging by his state... the younger would not respond anymore, anyhow.
"Jungkook," muling nabasag ang kanyang boses, waring sinasakal siya ng sarili niyang hininga. Bawat salita ay lumalabas na lamang na tila isang bulong. Nawawalan na siya ng lakas at pag-asa. "I-ikakasal pa tayo, hindi ba?" Ang iilang butil ng kanyang luha ay tumulo na sa mukha ng binata. "Sabi mo sakin gusto mong magkaroong ng masayang pamilya. Pano na ngayon yan? Pano na natin matutupad ang mga pangarap mo kung iiwan mo na ako? Babe please, huwag muna. Jungkook.."
Hindi alam ni Jimin kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngayon lalo na't walang duda na kasalanan niya nanaman ang lahat.
Kasalanan niya nga ba?
Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sakanyang bibig upang pigilan sana ang bawat hikbi na lumalabas sakanyang bibig, ngunit wala naman itong silbi dahil mas lalo lang lumala ang iyak niya.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...