tatlumpu't siyam

291 24 42
                                    



Nakatitig lang ang ginang kay Jungkook, hindi alam kung ano ba dapat ang sabihin o gawin ngayon na kaharap niya na muli ang kanyang anak na matagal-tagal niya ring hindi nakita. Habang si Jungkook naman ay nakayuko lang, hindi magawang tignan ang kanyang mga magulang. Alam niya sa sarili kung ano ang nagawa niya at sigurado siya na galit ngayon ang mga ito dahil na rin sa mga nangyayari.

"Anak ko," halos lumambot na ang mga tuhod niya ng hindi isang malakas na sampal ang sumalubong sakanya kundi isang mainit na yakap mula sakanyang ina. "Sobrang nag-alala kami sayo ng papa mo, pati ang kuya mo hindi din mapakali lalo na nung huling may dumalaw sakanya na kaibigan mo daw. Huwag mo na ulit kaming tatakutin ng ganito nak ha?" Ilang haplos ang natanggap niya at mga halik, hindi tuloy maiwasan na maluha siya dahil sa hindi inaasahan na reaksyon ng mga ito sa pagbalik niya.

"T-tita," saka lang bumalik sa alaala niya na nasa likod lang pala niya si Taehyung na tahimik ring nakamasid sakanila, napunta ang atensyon ng mama ni Jungkook kay Taehyung. "I'm sorry—"

Malumanay na pagkakasabi nito. Nakayuko at hindi mapakali ang mga kamay marahil dahil sa kaba na nararamdaman kaya naman ay hinawakan ni Jungkook ang kamay ng kasintahan, ramdam niya ang lamig nito kasabay ng panginginig. "Kasalanan ko po ang lahat. Patawarin niyo po sana ako, hindi ko po gusto ang mga nangyayari ngayon kaya pilit ko pong itinatama—"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Taehyung, takang tinitigan si Jungkook. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin dahil sa biglaang pag-akap ng ginang sakanya, tinatanong si Jungkook sa pamamagitan ng mata kung ano ba ang nangyayari na siyang matamlay ngunit makahulugang ngiti ang isinagot nito sakanya.

"Wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan kung walang puso ang ama mo. Hindi mo kasalanan na nagmamahal ka at hindi iyon maintindihan ng sarili mong ama," humiwalay ang ginang sa pagkakaakap niya kay Taehyung, tinitigan niya ito, marahang hinaplos ang buhok nito na siyang nagpaparamdam ng pagmamahal galing sa isang ina, isang pakiramdam na matagal niya nang inaasam. "Alam namin kung gaano mo kamahal ang anak namin. Alam namin na hindi mo siya magagawang saktan, kung ano man ang nangyayari ngayon . . wala kang kasalanan, yan ang tatandaan mo, ha?"

Muling niyakap ng ginang si Taehyung ngunit ngayon ay mas mahigpit na, masaya silang pinagmamasdan ni Jungkook, alam nito kung gaano rin kamahal ng mama niya si Taehyung bilang halos ilang taon na rin itong nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Kim.

Napatid lang ang yakapan ng tumunog ang cellphone ni Taehyung, at saktong lumabas ang doktor ni Sungjin sa operating room.

"Sasagutin ko lang." paalam nito kay Jungkook.

"Hhm."

Agad din itong umalis ng makatanggap ng sagot mula sa kasintahan. Sinundan ng tingin ni Jungkook si Taehyung, tila may naguudyok sakanya na kailangan niyang sundan ang kasintahan. Ramdam niya na may mali— wala naman atang hindi mali sa nangyayari sakanila ngayon. Naging tila isang libro ang buhay nila, gumagalaw sila sa mundo na minamanipula ng iba.

Hindi na siya nagpaalam pa sa mga magulang dahil abala naman ang mga ito sa pakikipag-usap. Dali-dali siyang naglakad patungo kung saan nagpunta si Taehyung, kusang napapreno ang mga paa niya ng marinig niya ang boses ng kasintahan. Halata sa boses nito ang galit, mas lumapit pa siya upang maging mas malinaw ang dinig niya sa kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawang tao, siniguro niya rin na hindi siya makakagawa ng kahit na anong ingay.

"Kilala mo ako, gagawin ko kung ano man ang sinabi ko."

Pigil ang bawat pag-hinga, pakiramdam niya tuloy ay mauubusan siya ng hangin sa katawan. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya, ayaw niyang pagdudahan si Taehyung ngunit hindi niya rin naman maiwasan lalo na at pinangungunahan na siya ng hinala.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon